Chapter 38 - B (The Final Verdict)
Michael’s POV
I am now completely enjoying the night with Sarah’s family. Madali lang naman pala silang pakisamahan, sa una lang talaga medyo mahirap. Kasalukuyang kong kausap si John at ine-explain ang lahat tungkol sa amin ni Sarah. Nangako ako sa kanya na hindi ako gagawa ng anumang kalokohan at bagay na makakasakit kay Sarah
While talking to John, I heard my phone ringing so I spaced out for a while to take the call. Si Mommy ang tumatawag. As usual, chine-check niya kung ok ang lahat. Kahit kailan talaga, hindi mapipigilan ni Mommy na hindi mangialam. I dismissed the call right away and when I turn around, nagulat pa ako ng bumulaga sa harapan ko ang Daddy ni Sarah.
“Can we have a forthright and honest talk young man?” seryosong sabi nito.
Napalulon ako. “Of course Sir” I replied
Inakbayan niya ako na lalong nagpatindi ng kaba ko. He led me on the other side where cocktails were placed. Ok Michael. Ito na ang pinakahihintay mong sandali. Pass the test and you’re done. Pinagmasdan ko lang ang Daddy ni Sarah habang seryosong nagsasalin ng alak sa dalawang baso.
Pagkatapos ay marahan siyang humarap sa akin at iniabot ang isang baso ng alak. Nagpasalamat naman ako kaagad at kinuha iyon.
“Una sa lahat, stop calling me Sir. You can call me Tito Matt” sabi nito
Hmmm. Mukhang nasa safe side na ako ah. Pero ayaw ko pa ring magpakasiguro.
“Ok Si-, I mean Tito” alangang sabi ko.
Maya-maya’y napansin kung nakatanaw siya sa bandang kanan niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong pinagmamasdan niya si Sarah na masayang nakiki-pagkuwentuhan sa lahat.
Pinag-aralan kong mabuti ang expression ng mukha niya. All I could see there is pure love and care for Sarah.
He sighed. “Look at my daughter Michael, ang sarap pagmasdan ng mga ngiti niya hindi ba?” pilit ang ngiting sabi niya.
Marahan lang akong tumango.
“Five years kaming nawalan ng anak just because of one pricking asshole” sabi niya na makikita mo ang galit sa mga mata niya. “At ayaw ko ng maulit ang nangyari sa kanya dati” pagpapatuloy nito
I sighed. “I understand Tito, but I really care for your daughter. I would never do anything to intentionally hurt her. Mahal ko po siya” matapat na sabi ko.
Sumulyap siya sa akin at pilit na ngumiti.
“Yeah. So what are your plans then?” tanong nito na matiim na nakatitig sa akin.
“Believe me or not, I would like to marry your daughter someday and have a family with her” matapat na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...