Chapter 7 (Dave’s POV)
It was another tiring but fulfilling night for me. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap. Sabihin na ni Michael na corny at jologs ako, I don’t care. Alam ko namang hindi madaling paniwalaan ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko rin naman masisisi si Michael kung pagtawanan man niya ako, dahil kahit ako mismo sa sarili ko, hindi ko inakala na darating ang araw na mai-inlove din ako. Alam ko marami akong kalokohan dati at aminado ako na parehong halang ang bituka naming ni Michael pagdating sa babae. Kami dalawa kasi yung tipo ng lalakeng hangga’t may magpapalamang at magpapa-score na babae, i-score kami.
Pero noon yun. Hindi na ngayon. Seryoso ako kaninang sinabi k okay Michael na nagbago na ako. At sa totoo lang, sa ngayon, hindi ko na iniisipp kung ano pang sasabihin ng ibang tao. Dahil ang importante, alam ko na nasa akin na ang isang babaeng maaaring pinapangarap makuha ng maraming lalake. At Mahal niya ako. And for that, I could say that I am the most luckiest man on earth.
Pagpasok na pagpasok ko sa condo unit, sa kuwarto kaagad ang diretso ko. Pagal na pagal kong Ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama nang may ngiti sa labi syempre. Naisip ko lang, kung hindi ko siguro siya nakilala, baka hanggang ngayon katulad pa rin ako ni Michael. Walang sinasantong babae.
I never thought my relationship with her would come this far. Noong una ang balak ko lang ay gawing past time siya, katulad ng ginagawa ko sa ibang babae. Pero habang tumatagal, habang nakikilala ko siya, I started to like her. Sabi ko sa sarili ko noong una, “I’m sure, this kind of feeling won’t last. Na magsasawa rin ako”. But it didn’t happen. Dahil ng lumaon, lalo akong nahulog sa kanya. Para siyang isang droga na mahirap tanggalin sa system kapag natikman mo na. Well, It’s been four months mula nang magkamabutihan kami.
Na-meet ko siya sa isang social gathering na nagkataon na pareho naman inattendan. And the moment I set my eyes on her, I know I’m in trouble. At alam ko na malaki ang magiging papel niya sa buhay ko.
Bakit nga ba hindi? Eh mula noong makilala ko siya, walang araw na hindi siya sumagi sa iniisip. Kahit ano pang ginagawa ko, kahit saan ako magpunta hindi ko maiwasang hindi siya maisip. Dumating nga sa punto na nagduda na ako sa kanya. Na baka ginayuma niya ako o kaya naman eh nilagyan niya ng kung anong droga ang alak na iniinom ko dati dahilan para mahumaling ako sa kanya.
Pero hindi, dahil ang totoo, na-love at first sight lang talaga ako sa kanya. Ayaw ko lang aminin yun dati sa sarili ko. Ngunit ganoon pala yun? Hindi ka mapapanatag at hindi ka magiging Masaya hangga’t hindi mo inaamin sa sarili mo kung ano talaga ang totoong nararamdaman mo. You have to let the feelings flow. At doon ka lang magiging Masaya.
Matagal din bago ko nakuha ang atensiyon at tiwala niya. Ang problema kasi noong una, alam niya ang kalibre ko. Kaya supalpal din ako lagi sa kanya. Pero hindi ako sumuko. Hangga’t hindi siya pumayag na makipag-date sa akin, hindi ko talaga siya tinantanan. And in the end, it’s really worth it. Dahil at last, official girlfriend ko na siya.
“I am so damn lucky” nangingiti kong bulong sa sarili. I closed my eyes and started to relive the beautiful memory in my mind.
Kasalukuyan kaming naka-upo sa isang bench sa loob ng paborito naming park. Halos alas-sais imedya na ng gabi. Nakahilig ang ulo niya sa aking balikat, isang napaka-simple at typical na bagay na normal na ginagawa ng isang babae pero napakalaking bagay nito para sa akin. Pakiramdam ko bumibilis ang pintig ng puso kahit sa simpleng paglalambing lang niya.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...