Chapter 25 (Sarah's POV)

50.3K 334 2
                                    

 

Chapter 25 (Sarah’s POV)

 ---------------------------------------------------------

For the billionth times.

I found myself glaring murderously at my stupid cell phone.

Ugh!

I mean, seriously? The freaking device was really useless and good-for-nothing for almost 40 hours, 37 minutes and 10 seconds to be exact.

Nagtataka tuloy ako. May problema ba sa signal ko? O baka naman down ang system ng buong network kaya ganun? Pero hindi eh, full bar naman ang signal indicator ko!

 At isa pa ha? Naka-set pa ang phone ko sa full volume nito pero ni katiting na ingay ang wala akong marinig mula dito.

For God’s sake! What the hell happened to Michael??

 Is he for real?

 No Call.

 No Text.

 Nothing even a single”Hi?”

  

Halos magdadalawang araw na rin akong parang tangang naghihintay sa wala. Umaaasang maalala man lang akong itext o tawagan ni Michael. Ngunit hindi talaga nagpaparamdam ang kumag. 

Oo nga, nagkasundo kami na every Friday na lang kami magkikita, pero usually,  lagi naman niya akong tinatawagan at tine-text. Pero bakit ngayon ni isang “hello” wala akong nare-receive sa kanya? Hindi naman sa nagiging demanding na ako hindi ba? Pero kahit papaano, may karapatan naman akong malaman kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Nagwo-worry na rin ako sa kanya. Nahihiya naman akong magtanong kay Lei baka isipin niya masyado kong hinahawakan sa leeg ang kuya niya. Jeez! I’m getting crazy! I hate this kind of feeling! Unti-unti na tuloy bumabangon ang sobrang inis ko kay Michael.

Where the hell is he?! I tried to call him several times pero cannot be reached naman ang phone niya. This is almost killing me. Nag-aalala ako sa kanya and at the same time naiinis din ako. Naiisip din kaya niya ako? I doubt! Dahil kung naiisip niya ako eh di sana kanina pa siya tumawag o nagtext man lang sa akin?

Arrrrgggggg!

I glared at my stupid phone once again. Yeah Right, Keep your hopes up Sarah!

Nagdadabog akong bumangon sa pagkakahiga. Ginutom na ako sa kahihintay na sana tumunog man lang ang cellphone pero wala talaga. Humakbang ako para tumungo sa direksyon ng pintuan pero huminto rin agad pagkatapos. Nilingon ko ulit ang cellphone. Balak ko sanang iwan na lang ito sa kuwarto at hayaan na lang doon. Pero paano kung biglang tumawag si Michael? Bubulong-bulong kong binalikan ang cellphone ko.

“I hate this!” I hissed.

Asar na asar akong dinampot ulit ang cellphone at binitbit papunta sa kusina. Inilapag ko ito sa counter at naiinis akong dumampot ng dalawang pirasong tasty bread. Halos pahagis ko itong inilagay sa toaster.

  

Nasaan si Michael? Bukas na rin ang Big Event para sa Fashionista at kailangan nandun siya. Hindi siya maaaring hindi umattend doon. Natauhan ako sa aking pagmumuni-muni ng maya-maya’y parang biglang naka-amoy ako ng nasusunog na ewan. Halos mapatalon ako sa gulat!

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon