Chapter 12-A (The Date)
Michael‘s POV:
Sinipat ko ang kabuuan ng repleksiyon ko sa salamin. Smart-casual outfit ang napag-desisyunan kong isuot ngayong gabi. Dark indigo wash Levis slim jeans na tinernuhan ng plain white slim fit cotton oxford shirt bilang panloob at para lalong maging classy at smart-looking ang dating, pinatungan ko ito ng mamahaling kulay Navy na Blazer. Nakangiting pinasadahan ko ng haplos ang suot kong blazer.
Perfect.
At bilang panghuli, Reiss Clements Brogue Tan Shoes ang napili kong isuot, which complimented my whole outfit. Teka lang, kailangan ko ba talagang gawin ang lahat ng mga ito?
Ano ito? “Dress to impress”? Para kanino? Kay Sarah? Napailing ako.
Napasulyap ako sa relo ko, halos mag-a-alasais na ng gabi. Ready na ready na ako. And right at this moment, excitement is bubbling inside me.
Bakit ba hindi ko mapigilang hindi ma-excite? Para akong high school at isang teenager na hindi mapakali. Saan ako excited? The idea of seeing her? or the idea of having sex with her? Idinismis ko iyong una. This is just a plain sex desire. No more. No less.
Pero bakit parang may bumubulong sa akin na “C’mon Michael, admit it. You like the girl and it’s not only about sex.”
Wala sa sariling, naisuklay ko ang mga kamay ko sa buhok ko.
“Shit. I should stop over-thinking things. Kailangan kong mag-focus. Kailangang maisakatuparan ko ang talagang plano ko ngayong gabi. Ano ba itong nangyayari sa akin?” usal ko sa sarili ko.
Ngunit masisisi mo ba ako? Buong buhay ko hindi ko pa ito nararanasan. This is my first time. First time kong mag-set ng date sa isang babae. I mean, actually it’s not a date; it was a “forced date”.
Hindi ko alam kung anong kalokohan ang sumagi sa kukote ko para sundan ng sundan ang babaeng iyon at pilitin siyang makipag-date sa akin.
“Alam mo ba kung bakit Michael? Hindi mo na ba naaalala? Binasted ka niya sa unang araw pa lang ng pagkikita niyo. And now, you are trying to get your injured ego back” patuloy na bulong ng isang traydor na tinig.
Shit. I'm screwed.
Sarah’s POV:
It’s almost six in the evening but I still I couldn’t make up my mind. Kailangan ko ba talagang gawin ito? Hindi naman talaga requirement na makipagkita ako sa kanya hindi ba? Katulad ng payo ni Lei, maaari ko namang hindi siputin ang kuya niya kung gugustuhin ko.
Ngunit bakit waring may bumubulong sa akin na ituloy ko na lang ito?
“Girl, go for it. It’s just a business date like what you wanted to call it right? So what’s the big deal?” Natatakot ba ako? Pero natatakot saan? Arrrgg! Hindi ko alam. Naguguluhan na ako.
Basta ang tanging alam ko lang, limang taong na akong hindi nakakaranas makipag-date sa kahit kaninong lalake. Kaya ano ang ine-expect niyo mula sa akin? I couldn’t just take this easily right?
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...