Chapter 6 (He can't get over it!)

74.4K 520 7
                                    

Chapter 6 (He can’t get over it!)

She turned me down.  

She brushed me off. 

She rejected me.

 Me.

The legendary Michael Villegas, ang isang tinitingala at pinagpipitagang lalake na kahit kailan at hindi pa naranasang mabasted. A well-known player who never experienced any kind of rejection especially from a girl.

But it happened, she really did.

What’s wrong with that woman? No doubt, she really had a problem.

Maybe she has a blur vision?

Or she’s a man-hater?

Damn it. Is she f*cking kidding me?

Tama. May sakit ang babaeng yun. Malamang may depekto ang mga mata niya. I mean what’s wrong with me right? Hindi ko talaga matanggap ang mga pangyayari.

The party is almost over pero kahit anino ng Sarah na yun hindi ko na ulit nakita. Masyado siyang mailap. Mailap nga ba o talagang sadyang gusto lang niya akong iwasan? Ouch naman. Ang sakit sa ego nun ah. She’s really not interested in me. And I couldn’t accept that fact. No. It can’t be.  

Sadyang nakakabahala ang ginawa niyang pag-reject sa akin. Wala pang gumagawa sa akin ng ganun. Lahat ng magustuhan ko napapasa-akin ng mabilisan. Never in my whole damn life na nakaranas akong i-reject ng isang babae. 

Pero hindi na ngayon, Sarah did asshole!

Shit. Hindi ito maaari. Hindi pa ipinapanganak ang taong sisira ng reputasyon ko. Not even Ms. Sarah De Vega.

  

“Hindi ang gabi na ito ang huli nating pagkikita Sarah! Dahil pinapangako ko, hindi kita titigilan hanggat hindi kita nakukuha”

Isa sa mga araw na ito, magkikita ulit tayo and I swear to God, kahit ano man ang mangyari, mahuhulog ka sa bitag ko and when that day comes, makikilala mo kung sino ba talaga at ano ang kayang gawin ng isang Michael Villegas.

Nang malapit ng mag-hating gabi, mga eksaktong 11:30PM, naisipan ko ng umuwi. After all, the party is almost over. And besides, the only reason I came here was to meet that Sarah and since she never showed up again, so there’s no point of staying. Marami pa namang araw. At isa pa, maliit lang ang mundo para hindi ulit mag-krus ang landas namin. At kung hindi man, ako mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo ang mga landas naming dalawa.

Mas matinding determinasyon ang bumangon sa pagkatao ko habang naglalakad ako papunta sa kung saan naka-park ang kotse ko. Kung kanina ay disappointed ako sa nangyari, ngayon hindi na.

“Challenge accepted Sarah” determinadong bulong ko sa sarili ko.

Pinaandar ko ang makina ng kotse atsaka ito kaagad pinaspasan ng takbo. Naisip ko lang, sa Condo na lang muna ako magpapalipas ng gabi. Mas convenient pa dahil mas malapit lang ang unit ko sa location ng party. Tuloy-tuloy lang ang biyahe. Walang traffic. Marahil  ay gabi na rin kasi.

  

After 20 minutes, narating ko na rin kaagad ang building.  Nakahanap naman ako kaagad ng pwesto ko kaya maingat akong nagmaniobra para mai-parada ng maayos ang sasakyan. Nang maiparada ko na ito ng maayos, may napansin akong isa pang papasok na kotse. Kilala ko ang may-ari ng sasakyan. Kay Dave ito at hindi ako maaaring magkamali.

The Sweet DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon