Chapter 27 (Expect the Unexpected- Sarah’s POV)
----------------------------------------------------------------
Oh. My. Gosh.
Grabe ang kaba ko doon ah! Pinagpawisan yata ako ng malapot. Pero at least, tapos na appearance ko. Buong akala ko hindi ko makakayang gawin ang bagay na iyon. I hate the attentions they are giving me but I can’t do anything about it. I need to do this for the success of my business.
Nanginginig ang mga tuhod kong maingat na bumaba ng stage. Isa lang ang nasa isip ko, kailangan ko munang lumayo sa mga tao sandali. Kailangan ko munang magtago para makahinga kahit papaano. Isa lang ang tinatahak na direksyon ng mga paa ko, ang restroom.
Halos magkandabali-bali ang mga takong ng sapatos ko sa kakamadali ko ng biglang may maulinigan ako na tila ba may tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko ito binigyan ng pansin, ipinagkibit-balikat ko lang ito.
“Sarah, wait!” tawag ulit ng isang lalake.
Napahinto ako bigla. Naramdaman ko ang biglang pagkabog ng dibdib ko. Tama ba ang naririnig ko? Siya ba yun? Pero ano naman ang ginagawa niya dito? Hindi. Hindi ito maaari. For God’s sake, not at this moment.
Pero baka naman nag-hahalucinate lang ako. Baka dahil sa nerbyos ko kung ano-ano na ang naiisip at naririnig ko? Ipinilig ko ang ulo at nag-umpisa ulit maglakad papalayo ng biglang may isang kamay na pumigil sa akin.
“Sarah, please wait!” the guy grabbed my arm and spun me around.
My eyes widened in surprised, mouth falling open. I shook my head.
No! This is not the right time!
I stared at the guy in front of me from head to toes. He is wearing a simple, yet elegant black suit. I was a bit surprised to see him wearing something besides the muscle hugging t-shirts and cargo pants he used to wear. Guwapo pa rin siya at malakas pa rin ang dating pero walang-wala siya kumpara kay Michael. Sandali? Did I just check him out? Shit.
“Damn it!” I hissed.
Napasulyap ako sa braso ko na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin ng lalake. Naiinis akong tinabig ang kamay niya.
“Would you please take your hand off of me?!” I practically growled.
He did what he was told. He looked at me softly. ”Sarah, can we talk please” he said pleadingly.
I glared at him. “Wala na tayong dapat pag-usapan Ethan! Matagal na tayong tapos!” I mumbled through gritted teeth.
Humakbang siya papalapit sa akin, kaagad naman akong umatras papalayo sa kanya. Ang kapal naman ng mukha ng lalakeng ito. May lakas pa talaga siya ng loob na magpakita sa akin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa akin?!
The hell with this man! He’s totally a jerk!
Mukha namang napansin niyang mabilis akong umatras kaya napahinto siya kaagad.
”Sarah, ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Bigla ka nalang nawala at -“
“Shit Ethan! Shut the f*ck up!” I practically shouted. Anong gusto mong gawin ko pagkatapos ng panlolokong ginawa mo sa akin ha?!” I scowled, my eyes were burning with anger.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
Storie d'amoreSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...