Chapter 13 (Sarah 5 years Ago)
I practically ran towards the elevator. Dahil kung hindi, baka bumigay na ang tuhod ko sa magkahalong hiya at kaba na nararamdaman ko.
Stupida ka talaga Sarah! Singhal ko sa sarili ko.
Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! He almost kissed you For God’s sake! At wala kang ginawa para pigilan iyon, sa halip ay naghintay ka pa na gawin niya iyon. Mabuti na lang at hindi niya itinuloy.
Shame on me, kapag nagkataon. Dahil alam ko, if he’s going to kiss me, I will definitely kiss him back. And those simple touch…
The moment his hand touched mine, I felt tingly sparks that caused an electrifying sensation down my spine. And as I stared on his handsome face and mesmerizing blue eyes, I felt myself being drawn in.
“Shit!” I cursed.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dala na rin ng sobrang frustration. Gusto kong sapukin ang sarili ko para magising sa kalokohang ito.
This can’t be happening to me. Not again.
Ayaw ko ng magkaroon ng attachment sa isang lalake hangga’t maari. Pero siguro tama nga si Michael. No one can resists his charm.
Alam ko sa sarili ko na nakikipagmatigasan lang ako sa kanya. But deep inside me, aminin ko man o hindi, gusto ko ang atensiyong ibinibigay niya sa akin. The way he looked at me makes me feel weak. And to be honest, I like his presence. Something feels right when I’m with him.
Hindi ko maiwasang mapahagulgol ng iyak sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Then everything came back to me. Five years ago…..
“You look beautiful on that wedding dress honey. It’s perfect.” Puri ni Mommy while flipping a magazine.
Ngumiti ako sa kanya tanda ng pasasalamat at minsan ko pang ineksamin ang sarili ko sa malaking salamin. The wedding dress is well-designed and stylish. Every bit of it fits on my curvy body.
Siguradong-sigurado ako, magugustuhan ito ni Ethan. Napangiti ako ng sumasagi si Ethan sa isipan ko. God, I missed him so much. Nagkita naman kami kaninang umaga pero miss na miss ko kaagad siya.
Di bale, isang linggo na lang hindi na kami magkakahiwalay pa. And besides, last day niya na sa office today then he’s gonna have his vacation. Isa siyang matagumpay na business man , so what should I expect?
Napasulyap ako sa relo ko. Alas-dos ng hapon. Medyo maaga pa. Ako kaya kung sorpresahin ko si Ethan? tama. Sigurado ako pagod yun sa maghapong trabaho at kaka-attend ng mga meetings. Napangiti ako sa ideya.
“Mom, is it fine kung hindi na kita masasamahan sa lakad mo?” sabi ko sa tonong may pakiusap. Napakunot noo si Mommy bago binitawan ang hawak na magazine.
“Why honey? I thought we gonna go shopping together?” nagtatakang tanong nito.
Nahihiya akong ngumiti. “I just wanna surprise Ethan mom. Balak ko din siyang yayaing manood ng sine. Showing na yung inaabangan naming movie”alumpihit na sagot ko.
Napabuntung-hininga si mommy.
“Hay naku Sarah, one week na lang ikakasal na kayo hindi ka pa rin makapag-antay?. Aba eh, nagkita lang kayo kaninang umaga ah?” naiiling na sabi nito, pero nangingiti din naman.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...