Chapter 26 (The Event-Michael’s POV)
The moment we stepped inside the Convention Hall, I grabbed Sarah’s hand and intertwined my fingers with hers. I turned to her and smiled reassuringly. Halatang-halatang kinakabahan siya pero hindi iyon naging dahilan upang hindi mapansin ang taglay niyang kagandahan.
Believe me; she looked stunning on her grey chiffon sexy dress. Para sa akin wala ng hihigit pa sa kagandahan niya.
Pinagmasdan ko muli ang maganda niyang mukha. Mababanaag mo ang takot sa mga mata niya. Marahil ay sa kadahilang siya ang main organizer ng event. And she’ll be out in the spotlight soon for everyone to see. I squeezed her hand gently and smiled at her comfortingly.
Malaki na rin ang ipinagbago ni Sarah mula ng makilala ko siya. Dati-rati’y malalamlam at punong-puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Pero ngayon, bagaman may kaunti pa ring takot, hindi rin naman maipagkakaila ang mga ningning sa mga mata niya sa tuwing titigan niya ako. Punong-puno ng pag-asa ang mga mata niya.
At napakasarap isipan na sana ay ako ang maging dahilan ng lahat ng mga iyon.
Pagpasok naming sa loob, kaagad nakuha ni Sarah ang atensiyon ng lahat. Pakiramdam ko, ako na ang pinaka-masaya at pinaka-maswerteng lalake sa buong mundo.
Oo, mamahalin nga ang suot ko ngayong gabing ito. Mamahalin din ang mga accessories na nakakabit sa katawan ko. But if you’ll going to ask me, my best accessory would be my beautiful and gorgeous girlfriend standing next to me.
I nodded and smiled warmly to some guests while we made our way through the crowd.
Sarah doesn’t like to be the centre of attraction. Isa yung sa mga dahilan kaya hindi siya kaagad nagpakilala na siya ang may-ari ng Fashionista. But tonight, whether she likes it or not, makikilala siya ng lahat.
The whole function hall was well designed and well organized. Fashionista World 2013 as far as I know, will welcome 300 guests, celebrities, media, and business leaders in the Philippines. They’re going to witness the innovation, modernism, and originality of the designs of Fashionista’s unique creativity.
Sinalubong si Sarah ng pagbati ng mga kaibigan niya at kakilala sa business industry. Sarah just nodded and smiled at them warmly, hanggang sa makarating kami sa pwesto malapit sa harapan ng mahabang runway.
“Don’t worry Sarah, You’re doing great” I whispered reassuringly.
She smiled and nodded. ”Thanks. And that’s because you’re here with me”
I encircled my arm around her waist and pulled her closer to me. Iginala ko ang paningin ko at napakunot-noo ako ng mamataan ko si Dave na may kausap na isang babae. Lalong lumalim ang pagkaka-kunot ng nook ng mapag-sino ko ang babae. Kilalang-kilala ko ang kausap niya. At kung titignan mong mabuti, para silang may romantic relationship sa isa’t-isa.
Bumangon kaagad ang kuryosidad sa inis sa akin. Humanda ka ngayon sa akin Dave. Sinasabi ko na nga ba eh.
I turned to Sarah and smiled apologetically.
“Sarah, excuse me for a while huh? May pupuntahan lang ako sa kabilang side, babalik din ako kaagad” I muttered.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...