Chapter 22 (Homecoming- Michael’s POV)
--------------------------------------------------------------------------------------
The presentation was almost done when I heard my phone ringing. I answered the call eagerly without even checking the caller ID. Si Sarah kaagad ang pumasok sa isip ko at hindi pa man ay parang nabawasan na ang pagod na nararamdaman ko. Excited akong sinagot ang tawag.
But to my surprise, it wasn’t Sarah. Nakaramdam kaagad ako ng dis-appointment. Si Daddy ang nasa kabilang linya. Ano naman kaya ang kailangan ni Daddy?
I sighed. “Hello dad” I muttered.
“Son, I need you to pick us up in the airport Ok? We’re boarding the plane in 5 minutes, almost 1 hour lang ang biyahe so maybe before 7:00PM nandyan na kami” he ranted.
I couldn’t help but frown at this. Ano ba ang pumasok sa isip ni Dad at ako pa ang tinawagan para lang magpasundo? Alam naman niyang nasa opisina pa ako? And besides, may family driver naman kami?
“But Dad, baka pwedeng si Manong -“
“Just be there son! I want you to be there on time. No more buts ok?” he cut me off. His voiced laced with authority. Yeah, I’m screwed.
I let out an exasperated sigh.
“Ok Dad, I’ll be there on time” I mumbled, voice irritated.
“Great. We gotta go son. See you later” he mumbled then ended the line right away.
Inis na inis ako napatitig sa cellphone. Halos ibato ko ito sa inis. What a day! Pagod na nga tapos magpapasundo pa sila sa airport? Anong meron at hindi pwedeng ang family driver ang sumundo sa kanila? Naaasar akong inilapag ang cellphone ko sa mesa ngunit daglian ko rin itong dinampot muli.
Isa lang ang pwedeng makapagpasaya sa akin sa oras na ito. Si Sarah lang. But I can’t see her tonight, wala siya sa Condo unit niya. Shit!! I got no freaking choice.
Actually, wala ng mga tao sa opisina dahil until 5 o’clock lang naman ang working hours. Balak ko lang sanang mag-stay pa ng isang oras para tapusin ang mga papeles na naka-pending. Naiinis man, mabilis akong nagligpit ng mga papeles na nagkalat sa mesa ko upang makaalis na kaagad. Peak hours pa naman ngayon, and for sure heavy traffic ang aabutin ko. Bad trip talaga!
And I was totally right, Traffic. F*ck! Kapag minamalas ka talaga. Napasulyap ako sa cellphone ko at biglang naisipang tawagan si Sarah. Para sana kahit papaano mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Medyo napangiti akong hinablot kaagad ang cellphone ko, saktong nai-dial ko lang ang number niya, biglang namatay ang screen. As in totally black.
“Damn it! Low batt!” I cursed. Galit na galit akong inihagis ito sa kabilang upuan. Ibinuhos ko ang inis ko sa busina ng sasakyan. Bakit ba ang bagal ng galaw ng traffic?
Pagkatapos ng pagkahaba-habang traffic, sa wakas narating ko rin ang Gate 12 ng airport. Ipinarada ko ng maayos ang sasakyan at kaagad na bumaba. At mukhang tamang-tama lang ang dating ko dahil namataan kong papalabas pa lang sina Mommy at Daddy. Tumayo ako sa may lobby malapit sa bungad ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomansaSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...