CHAPTER ONE THE BREAKUP

28.3K 303 16
  • Dedicated kay Frances Sarah Saquing
                                    

A/N: Dedicated to sa bestfriend kong si Frances Sarah Saquing. Salamat sa pagpilit saking magsulat ng story. Pati sa ina kong si Katherine Rodriguez at ang girlfriend nyang si Jacelle Andrea Portugal. I love you >:D< Lalo na kay Aljen Czaryne Novallasca na malaking parte ng buhay ko. I miss you :)

First story ko kaya sana po maappreciate nyo :)

CHAPTER ONE

Ako si Jamie Nica Reyes. Tawag ng mga friends ko saken, Jamie. Yung mga super best friends at feeling close, tawag saken, Jam. Seventeen years old na ako. NBSB. Not that I’m ugly. It’s just that I hate commitment. Karamihan sa mga friends ko, may boyfriend na. Ako na lang ang hindi. They always try to set me up tuloy. The problem is, when I get close to a guy, natatakot ako. Siguro nga, I’m scared to fall in love.

Medyo matangkad ako compared to others. I have long straight hair na lagging naka-ponytail lang. Tapos, I love to wear cargo pants and ang top ko, kahit anong mabunot na damit sa magulong closet. Ang shoes ko, Chucks lang or Red. Kaya medyo mukha akong lalaki sa ayos ko. Pero, may curves din naman ako. Ayoko lang ipakita so I wear loose clothing.

Yung guy naman, si Chase Andrew de Guzman. He’s eighteen. Second year na siya and heartthrob sa school. I’m not really attracted to him kasi nga, I rarely look at guys. We’re from the same elementary school and same din ang high school. Pero, since one year older siya, di naman kami nagkakausap.

Until then….

Umpisahan natin sa… exactly thirteen days ago.

Pagpasok ko pa lang sa school, I felt like something was wrong. Kasi yung buong student body ay nagkakagulo sa bulletin board na normally ay di naman nila pinapansin.

I saw my bestfriend, Clara sa isang corner at mukhang may katext siya.

“Huy!”  tinapik ko yung shoulder nya.

“Ay, shit! Anu ba yan! You scared ten years out of me!”  sabi nya sabay hawak sa dibdib. Nerbiyosa si Clara. Sometimes I think nab aka dahil yun sa pag-inom nya ng coffee everyday.

“Best, Anong meron?”  I asked.

“Ah? Wala. May bago lang tsimis.”  

“Ha? Ano?”

“Si Chase daw. Nakipagbreak na daw kay Alexandria Gomez.”

“What? Yun lang, pinagkakaguluhan na?”

“Shunga.”  Binatukan nya ako.

“Sakit nun ah. Makabatok ka, wagas.”

“Sorry. Alam mo naman eh . Si Chase and Alexandria ang tila king and queen here in our school. With them breaking up, mahahati din ang buong school.”

“OA naman nila. Parang break-up lang, ganun na..”

“Best, alam mo namang mahal kita, di ba? Kaya I want to be the first one to tell you na baliw ka.”

“Ganun?”

“Oo. Si Chase at Alexandria ay yung tipong high school sweethearts na probable na maging mag-asawa in the future. Ganun ka-perfect!”

“Oh, kung perfect nga, ba’t sila naghiwalay?”

“Yun nga eh. Engaged na daw si Chase. Kaya, di pwedeng he’ll continue being with Alexandria.”  Tapos, mukhang super sad nga yung bestfriend ko.

“Best. Para namang teleserye yan. Nako, if I know, they’re still together at patago lang yung relationship nila.”   I said.

She shook her head. “No. Nag-break na talaga sila. Kaya nagkakagulo sa bulletin board is because may nakasulat dun na ‘I hate you Chase Andrew!’ Tapos pagkakita ni Chase, umalis bigla. Pero pagtwag sa bahay nila, wala daw dun si Chase. Tapos si Alexandria naman, iyak nang iyak. Ayun, nagkulong sa CR.”

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon