Sa isang box, may dalawang cute na cute na puppy. Shitzu ata tawag dito.
Kyaaahhhhh!!!!!! Ang cute talaga >.<
Color white sila na parang may brown na something. Tapos, parehong may ribbon na nakalagay sa kanila. Nagkaka-kaho; sila.
“Merry Christmas.” Sabi ni Chase.
Di ko na sya napansin napansin. Dumire-diretso ako dun sa dalawang puppy na hawak ni Chase. Ang cute nung mga eyes nila. Pakiramdam ko tuloy, immune na ako ngayon pag nagpuppydog eyes si Chase.
Kuniha ko yung isang puppy tapos, kinarga ko.
“Chase, thank you talaga.” Hi-nug ko si Chase.
Ewan ko na naman kung ano ang sumapi sa akin at ginawa ko yun. Pero I don’t care. Masyado akong Masaya kasi ang cute ng puppy.
“Sweetie, nakikita tayo ng mga bata.”
Huh? Ano daw??
Teka, mga bata…?
Bata = baby = anak
Oh! So, ibig sabihin, yung sinsabi nyang regalo nya sa akin eh, mitong mga puppy na to.
Awwww….
Ikaw kasi, Jam. Overactive ang imagination mo. Kung anu-ano pumapasok dyan sa isip mo.
“Two months pa lang yung tanda nilang dalawa. Bigay sila saken nung kakilala ko. Pagkakita ko, naalala kita.” Binaba nya yung box sa floor.
“Sinasabi mo bang mukha akong aso?” binaba ko rin yung isang puppy na karga ko at nilagay ko dun sa box. Nakaupo kami ngayon ni Chase sa floor. Magkaharap kami pero nasa gitna yung mga puppy.
Tumawa sya. “Hindi. Naalala ko lang yung mga kwento sa akin ng mga nanligaw sayo. May Labrador ka dawn a si Bite. Tapos, pag ayaw mo dun sa manliligaw, pinapahabol mo kay Bite.”
“Psh. Yun lang pala.”
“Sweetie, pangalanan natin tong dalawa nating anak.”
“O, sige. Yung karga ko kanina, si Bite the second.”
Tumawa sya.
-_-++ Seryoso ako dun ah.
“Sweetie naman. Ibahin mo naman tawag mo sa anak natin.”
“Bakit naman? Ang cute kaya.”
“Parang inaaway mo naman sya.”
“Hindi ah. Yun talaga gusto kong name nya.”
“Ganito na lang. Ako sa babae. Ikaw sa lalaki. Yung babae yung may red na ribbon. Tapos dun sa lalaki yung green.”
“Okay.” Kinuha ko yung lalaking puppy.
Hmmm……. Ano kaya papangalan ko dito?
“Ikaw na mauna.” Sabi ko.
“Tatawagin ko syang Tweety. Para malapit sa name ng Sweetie ko.”
“Eh, Jamie Nica kaya pangalan ko.”
“Para sa akin, si Sweetie ka forever.”
“At saka…” isip, Jam. isip ng way para madiscourage sya. “Lalaki kaya si Tweety.”
“Eh di ba may model naman na ganun din ang name? Oh, yun. Babae yun.”
Ay. Ewan.
“Eh, sya. Ano pangalan nya?”
Hmm… ano nga ba??
Eh wala naman akong tawag kay Chase eh. TEKA!! Ba’t ko naman ipapangalan kay Chase ang napakacute na creature na to?! Kawawa naman sya…
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!