(SEF POV)
Nakasama ko si Ms. Sunshine kanina. Di ko talaga ma-explain pero konting ngiti nya lang talaga, napapasaya na ako.
Nakilala ko sya nung first year. Malungkot ako nung time nay un. Lahat kasi ng naging girlfriend ko, pinaglaruan lang ako. Ginamit nila ako para pagselosin yung mga crush or exboyfriend nila. After nun pag nakikipagbalikan na sa kanila, iiwan na nila ako.
Bilang pagch-cheer up saken, niyaya nila ako. Ib-blind date daw ako. Pinagpipilitan nila kaya, pumayag na din ako.
12:00 dapat ang meeting. Pero sanay na ako na kapag babae, malamang 10-15 minutes yan late. Kaya, dumating ako ng 12:05.
Table 4 daw.
Pagkakita ko sa table 4, may nakaupo nang girl. Sya yung tipo ng girl na boyish manumit. Feeling ko lang, ah. Mukha kasi syang di komportable sa suot nyang dress. Pero, pakiramdam ko, kahit di sya magpaganda, okay pa din itsura nya.
Pagkaupo ko, bigla nyang kinuha yung kamay ko. Grabe! Gulat na gulat na ko. First date pa lang, ganun na?! Ang itsura ko naman ay yung tipong super nerd. Na-trauma na ata ako sa mga ex ko kaya panigurado na lang na di ako magiging boyfriend nito para lang sa looks ko.
“I’m not looking for a relationship, okay? Di pa nage-exist ang lalaking magiging boyfriend ko. Kaya kung naghahanap ka ng girlfriend, pwede ka na umalis.” Sabi nya.
Natulala ako. Unexpected.
“Di ako naghahanap ng girlfriend. Kakabreak ko pa nga lang sa girlfriend ko eh.” Sabi ko.
She looked relieved. “Good. So, napilitan ka lang din gaya ko?”
“Oo.”
“Ano naman ang reason kung bakit pinagtutulakan ka ng mga friends mo na magka-girlfriend agad?”
“Ayun. Kakabreak ko lang. gusto nila akong i-cheer up. Ganito naisip nilang paraan.”
Ngumiti sya. “Okay lang yan. Di talaga minsan Makita ng mga tao-lalo na nung mga in a relationship na minsan, we want to be alone. We NEED to be alone. Kasi, that way, nakikilala natin lalo ang sarili natin. And in your case, nah-heal mo yung sakit ng breakup nyo.”
Napangiti ako for the first time in a week that day ng isang babaeng hindi ko naman alam ang name.
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!