CHAPTER 45-46.1

10.2K 126 16
                                    

(CHASE’S POV)

 

Pagkaalis nila, dun ako dumiretso sa CR. Naghilamos lang ako ng mukha. Nab-bwisit kasi ako kay Anne, dun sa lalaking lumapit sa Sweetie ko, kay Mike… pero pinakamatindi, yung galit ko sa sarili ko. Kasi, napaiyak ko sya.

Pagkalabas, uminom na lang ako. Oo, umiinom din ako. Nung kami kasi ni Alexandria, madalas nasa bar kami pumupunta kaya sanay ako sa inuman. Syempre nandyan din yung banda namin at yung mga gig namin, madalas nasa mga bar din. Isa pa, mahilig magyaya yung iba kong mga kaibigan. Ako nga lang ata at si Sef ang di masyadong umiinom. Ako, kasi umiinom lang ako dahil masama pag humindi ka pag nagyaya sila. Si Sef, kasi wala namang epekto dun ang alcohol. Kahit gaano karami inumin nya, parang wala lang.

Oo nga noh! Ano kaya ginagawa nun ngayon?

“Hoy!” may biglang lumapit saken.

Tinignan ko.

Aba! Ito yung gag* kanina ah. Mukhang may kasama pang back-up.

“Grabe! Mas lumala itsura mo ah.” Sabi ko.

“Aba’t iniinsulto mo pa ko ah!”

“Sinasabi ko lang yung totoo.”

Lalong nagalit yung lalaki. Mukhang gusto na makipag-away. Ayos lang saken. Naghahanap naman ako ng away eh.

Susuntukin na sana nya ako nung dumating si Mike.

“Teka. Teka. Pwede ba natin pag-usapan to?”

“Sino ka naman?”

“Mga pare, pinsan nya ko eh. Baka naman maayos pa to. Ayaw naman namin makipag-away eh.”

“Eh, kasi yan. Kanina pa ginugulo yung kasama namin.”

“Mga pare, pagpasensyahan nyo na. Girlfriend nya kasi yun eh. Kanina pa ata sila nagkakalabuan.”

Umalis na yung lalaki at mga back-up nya. Psh. Sayang naman…

Bumalik na lang ako sa pag-inom.

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon