Mga isang oras later, nasa loob pa rin ako. Sobrang bored na ako kayanaglaro na lang ng taptap. Halatang wala na talagang magawa. Kung wala siguro akong dalang phone, kanina pa ako nabaliw at nagbilang ng tiles.
Maya-maya, biglang dumami yung mga babae sa CR. Di naman ako tsismosa. Pero syempre, CR yun. Pag nagsalita ka, may echo kaya rinig ng lahat.
Ganito yung conversation nila:
“OMG! Nakita mo ba yung guy sa labas?”
“Yup. Grabe! Ang gwapo nya!!”
“Artista siguro.”
“Siguro nga. Ang daming nagpapa-picture eh.”
“Pero baka hindi rin. Di ko pa sya nakikita sa TV eh.”
“Malay mo… extra sya.”
“Ganun kagwapo magiging extra lang? Imposible ah.”
“Tara. Punta na din tayo sa kanya.”
“Ha?”
“Yayain natin sya na sa atin na lang sumama. Mukha namang mag-isa lang sya eh. Kanina pa nakatayo lang dun.” Tapos, narinig kong may footsteps na paalis.
Si Chase kaya pinag-uusapan nila?
Oh my!!
For some unexplained reason, kumulo ang dugo ko. Umalis ako sa cubicle. Tapos, sumilip sa labas.
-_-++
Nandun pa rin si Chase. Ngayon, pinapaligiran na sya ng napakaraming babae. Yung tipong akala mo, isa syang creature na ngayon lang nila nakita. Argh! Nakakainis! Bahala na si Chase!! Wala na akong pakialam!!!
Lumabas na lang ako ng CR at dumire-diretso papuntang Dad’s.
Sa di nalalamang reason, nade-depress ako at pinalala pa yun ng gutom ko. Tinodo ko na nga ang pagkain ko. Yung tipong sobra sa pagka-PG. di ako tumigil hanggang hindi pa sumasakit yung tyan ko.
Pero bad trip pa rin ako eh. >.< Matapos kumain nang sobrang dami na lahat ng tao sa paligid ay akala ata nasa eating contest ako, naglakad-lakad ako para mabawasan naman yung kinain ko. Napadaan ako dun sa may CR pero nagtago ako para di ako Makita ni Chase.
At nanood na lang ako kung ano ang gagawin nya.
Mga 3 hours na din kasi halos mula nung pumasok ako sa CR. Pero nandun pa din sya. Nasa labas at naghihintay. Di kaya nangangawit ang isang to?
Pinanood ko na lang yung gagawin nya.
“Sumama ka na lang samin.”
“Hindi! Samen na lang. pasasayahin ka namin.”
-_-++ Ano ba tong mga babaeng to! Ang lalandi!!
“Sorry. I’m waiting for my sweetie.” Sabi ni Chase.
“Forget about her na lang. kami na ang samahan mo. Never ka naming paghihintayin.”
Aba! Ang kakapal ng mukha ah…
“No. it makes no sense to spend a lot of time with someone when you don’t love them but not know how to wait for someone you totally care for.”
>///< Ano ba!!
Natahimik din yung mga babaeng lumalandi sa kanya. Na-nosebleed ata….
“Pwede ba akong pumasok sa loob so I can check if she’s okay? Kanina pa kasi sya doon eh. Please?” He smiled.
At lahat ng babae doon ay tumango na lang.
Hala! Napipi na ata!!
O///O Weh?! Papasok sya sa loob?! Hala!
“Ch-CHASE!!” Sinigaw ko pangalan nya. Tapos, bigla na lang nasa tabi ko na sya.
“Sweetie, ba’t nasa labas ka na?”
“Kasi lumabas ako kanina pa.”
At isa-isang umalis yung mga babae matapos nila ako tignan nang masama.
“Ba’t ka umalis, sweetie?”
“Halata namang din a ako kailangan, eh.”
“What do you mean?”
“Marami ka nang kasama kanina, di ba? Sila na lang kasama mo.”
“Sino?”
“Yung mga babaeng nakapaligid sayo.”
“Di ko naman sila kasama, sweetie.”
“Ewan ko sayo. Bahala ka nga.” Then, naglakad ako papalayo.
Bigla nya akong hinila. “Teka, sweetie.” Tapos, tawa sya nang tawa.
“Hoy! Anong tinatawa-tawa mo dyan?” Nakakairita sya!! >.<
“Sweetie, don’t tell me na…” Tapos, tawa uli.
“Na ano?!”
“Nagselos ang sweetie ko.” Sabi nya sabay pisil sa cheek ko.
“Ay?! Ako, magseselos? You wish.” Sabi ko. >///<
Tinanggal ko yung kamay nya at naglakad uli palayo. Bahala na kung saan pupunta.
Nasa likod ko pa din sya at sinusundan nya ako. Siguro tumatawa pa rin sya. Bahala na sya. Nakakainis kasi…
Bigla nya akong hinila uli.
“Sorry na sweetie.”
“Anong sorry-sorry?! Di tanggap ang sorry lang dito.”
“Ikaw kasi eh. Ang cute mo magselos.”
“Sino naman nagsabing nagseselos ako? Gusto mo, tawagin ko pa yung mga babaeng yun at ibigay ka sa kanila?! Lagyan pa kita ng red na ribbon para gift ka.”
Ngumiti lang sya at hinug ako. “That will never happen.”
“Bitaw nga.”
“Let’s just stay like this for a minute.” Sabi nya.
Di na lang ako humindi. Mahirap na. baka mas mapatagal pa kung umayaw ako. Sixty seconds lang naman eh.
“I seriously like you.” Sabi nya.
O///O
Bigla namang nagkaron ng karera sa loob ng dibdib ko.
Naririnig kaya nya?
Bigla syang bumitaw.
“Sixty seconds na yun. Baka sabihin mong sumosobra na ako.” Then, ngumiti sya.
Parang biglang masyado nang malamig. Ang weird kasi, sanay naman ako sa aircon…
Hinawakan nya yung kamay ko.
“Uwi na tayo.” Sabi ko.
Di na uli ganun kalamig. For some reason, okay na uli yung temperature ng paligid. Nasa may parking lot na kami nung nagsalita uli sya.
“About what I said. I’m not asking you to answer me right now. I’m willing to wait. Gaya ng paghihintay ko sayo kanina, hihintayin ko ang sagot mo. As long as it takes.” Sabi nya.
Chase Andrew, bakit ka ba nagsasabi ng words that make me start to fall for you?
A/N: Di di ko agad na-type yung isa pang chapter. Nag-babysit pa kasi ako XD)) Salamat po sa mga nag-comment. Hahaha. It-type ko na yung next. Bukas or Thursday yung next update. Read. Like. Comment. <3
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!