CHAPTER SEVEN PREPARATION

12.9K 156 3
  • Dedicated kay Jena Mae Aguilar
                                    

Day SIX

Nagising ako sa amoy ng bacon.

hmmm..

Di pa nga pala ako nagdidinner..

Lumabas na ako ng room. Gising na pala si Chase. Nandun siya sa kitchen at nagluluto. Nireheat niya na yung mga luto ng mommy niya and nagluto pa siya ng bacon.

“Morning, sweetie . Gusto mo magshower muna?" tanong niya.

Grabe ‘tong lalaking to. Kakagaling lang sa sakit ganyan na agad.

“Mabibinat ka niyan..” sabi ko

“Okay na ako. Salamat sa pagaalaga sakin ng sweetie ko. Ikaw ang best nurse!” sabi niya.

Grabe talaga to!

“Pahiram ako ng damit mo ha.” sabi ko.

Buti nalang talaga lagi akong may baon na shorts and tsinelas.

Naligo ako then kumuha ng polo shirt sa closet niya. Sinuot ko yung shorts. Medyo maluwang yung polo. Buti nalang pala uso to ngayon. Kumuha ako ng belt at nilagay ito sa bewang ko.

Pagdating ko sa kitchen, tapos na pala siya magluto. Nakaset na yung pagkain sa table.

“Sweetie, ang ganda mo talaga.” sabi niya.

Nagblush ako. “Baka naman dahil sa sakit mo,  nabulag ka na.” sabi ko.

“Nope, super ganda talaga ng sweetie ko!”

Di ko na siya sinagot. Baka abutin pa kami ng kinabukasan kung makikipagdebate ako sa lalaking to.

Kumain na nga kami..

Shemay! Halos lahat paborito ko! Magpapaka PATAY GUTOM na naman ako. Gutom na gutom na ako eh.

Sobrang dami kong kinain.

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon