Nagdrive na sya. Sandal lang mga fifteen minutes lang siguro. At least, this time wala na syang balak kidnapin ako.
Nagstop kami at tinanggal nya yung blindfold ko. Nasa park kami. Tipong park na may fountain at slide and swing na pangbata. Tapos, meron ding bench.
“I want to show you something.” Sabi nya.
Dun kami sa harap ng fountain.
“Nakita mo ba itsura mo bago ka nila ilabas?”
“Hindi. Bakit? Mukha ba akong clown?”
Tumawa sya. “Define clown.”
“Mukha akong clown, noh? Kaya tinatawanan mo ako.”
“Tignan mo muna reflection mo at sabihin mo kung clown ba itsura mo o dyosa.”
Tumingin kaming dalawa sa may fountain.
OH MY GOSH!!
Meron dung lalaki. Si Chase na nakasuot ng pang-knight in shining armor na costume. Yun ngang sa Bop Bop Baby…
At sa tabi nya…
Isang babae na di ko kilala. Super ganda. May parang tiara sa ulo. Then yung hair nya parang waves ng ocean pag gabi. Dark and shiny. Tapos, her skin glows. At nagb-blush sya. Yung suot nya, purple na gown. At nakatingin sya sa akin. Gulat na gulat.
Nag-smile ako.
Nag-smile din yung babae.
“A-ako ba talaga yan?”
“Yup. Ikaw na ikaw. Natatakot nga akong bitiwan ka eh. Feeling ko, anytime makakawala ka. At biglang mawawala na lang sa akin.” Inakbayan nya ako.
“Oy! Alisin mo yan.”
Tumawa naman sya. “Back to normal ka na uli.”
Umupo kami dun sa may swing.
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!