CHAPTER FIFTEEN COLD AS YOU

11.9K 142 3
  • Dedicated kay Ailene de Asis
                                    

Kinabukasan, sinundo agad ako ni Chase. Nag-goodmorning sweetie siy sa akinpero di niya ako pinansin throughout the whole ride. Tapos pagdating sa school, nag-good luck sweetie lang siya at umalis.

Ang saya ko. Finally, lumayo na sa akin ang bwisit na yun!

Pagdating ng first period, ginulo nanaman ako ng mga friends ko. DAY 11 na daw naming ni CHASE. 89 days to go. Then, pinilit nila akong ikwento yung nangyari sa date naming.

Kaya kinwento ko. Iba-iba naman ang mga nagging reaction nila.

Clara: So best, are you falling for him?

Clarice: Paano na yung plan??!!

Whitney: Forget the plan. Jam, this is really is it is it na! Siya na yung the one for you and I think na perfect talaga kayo for each other.

Ano ba! Mas kinilig pa sila kaysa sa akin…

Pagdating ng lunch, wala si Chase. Dun kami umupo sa isang table kasam yung tatlo kong friends, sina Whitney at yung kambal, sina Clarice at Clara, nang lumapit sa amin si Sef.

“Hi” sabi ni Sef.

“Oy! Sef! Bakit hindi ka nandun?” tinuro ko yung place na lagi nilang inuupuan.

“Wala lang. Jamie, pakilala mo naman ako sa mga friends mo.”

“Sure” sabi ko naman at pinakilala ko nga siya.

“Clara, Clarice, Whitney, ito nga apla si Sef. Sef, ano nga aplaa ang buo mong pangalan?”

JoSef Gonzales.”

“Oh, ayun. Josef Gonzales friend siya ni Chase.” sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko.

Masayang kasama si Sef. The whole time nanag-lulunch kami, joke siya ng joke. Di nga ako makakain ng maayos eh.

“Pwede ba kitang tawaging Jam?” tanong sa akin ni Sef.

“Sure.”

Nginitian naman ako ni Sef. Eh di siya na ang gwapo! Grabe. Mas okay siguro siya kisa kay Chase na todo banat lang ang sinasabi sa akin. Nasaan na kaya yung bwisit na mokong na yun?

“Jam, iniisip mo ba si Chase?” tanong ni Sef sa akin.

“Hi-hindi ahh! Bakit ko namn iisipin ang mokong na yun?” hala nagmumukhang kamatis na ako.

Tumawa lang si Sef.

After lunch, hinatid niya ako sa next class ko. After classes ko lang ulit nakita si Chase. Sumigaw siya sa gitna ng parking lot ng

“I MISS YOU SWEETIEEE!!!”

Nakakahiya talaga tong si Chase.

Pagkarating sa bahay, inopen ko yung bag ko. Merong nakalagay sa loob na isang long-stemmed na red rose. Napangiti ako.

Ang weird mo talaga Chase Andrew de Guzman.

◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊

Day 12

Sinundo at hinatid uli ako ni Chase. Ganun lang uli, goodmorning at I miss you sweetie lang ang sinabi niya sa akin. Di ko alam kung magagalit ako o matutuwa sa ginagawa ng lalaking iyon.

On the bright side, walang mangiinis at mang-asar, I mean manggugulo rin sa akin.

Pero….namimiss ko na din siya! TEKA!!... MISSS??!! Huh??!! I mean, nakakirita pala. Ano ba tingin niya sa akin ah?! Bilis naman sumuko, may pasabi-sabi pa siyanf I’ll stick to her like instant glue. Eh, magalit lang sa kanya si kuya, lumayo na agad siya. Umiiwas na agad..

Hay! Ang gulo talaga ng mga lalaki!! Kaya ayaw ko mainlove eh!!...

Pagdating naman ng lunch, dun uli si Sef sa table naming nina Whitney. Nakakatuwa talaga sia. Parang Bob Ong na hindi maubos ubusan ng kwento..

Pagkauwi nng tinignan ko yung bag ko, meron na namang red rose. Ngayon, meron pang picture. Grabe siya ahh!! Di ko talaga nakitang nilagay niya yun sa bag ko. Picture ko nanaman.

Masaya uli ako dun sa picture.

“Strange as it seems, she’s the one I’m after..

-          Chase Andrew de Guzman

Siyempre unexpected nanaman.

Ano ba ang pinahihiwatig mo, Chase Andrew?

◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊

Day 13

Tuluyan na akong hindi sinundo ni Chase. Grabe! Mas lalo akong naguiguilty. Wala naman akong kasalanan pero pakiramdam ko galit siya dahil sa akin.

Pagdating ng lunch, nagpasama ako kay Sef para hanapin si Chase. Bumili nalang kami ng snacks at nagikot-ikkot sa campus. May mga ng-approach sa amin na friends ni Sef. Lahat sila inasar kami. Inaagaw daw ako ni Sef kay Chase. Tumawa lang naman si Sef.

Medyo boring na ganun lang kaya nagkwentuhan kami..

“Jam, nagka-boyfriend ka na ba?”

“Di pa..I mean…” nga pala bf ko na nga pala si Chase. “Ngayon lang pala, si Chase.”

Tumawa lang si Sef. “Di counted yun. Engaged eh!”

For some reason, nalungkot ako sa sinabi niya. “Oo nga.”

Pinat niya yung back ko. “Okay lang yan.”

“Eh, ikaw?”

“Ngka-girlfriend na ako.Nakaka four girlfriends na pero iisang girl lang ang minahal ko.”

“Oh, first girlfriend mo noh?”

“Hindi, never ko pang nagging girlfriend. I just admire her from far.”

“So, nagpapaka-emo ka sa first-love mo?”

“Nope, kasi isang tingin ko lang sa kanya, masaya na ako.”

“At sino anman ang swerteng babaeng nagustuhan ng isang JoSef Gonzales?”

“Hmmm..let’s just call her Ms. Sunshine. N-meet ko siya nung super bad mood ako. Grabe ang galit ko sa mundo. Then, unlike other girls, bigla siyang nagsalita nang super prangka. That moment on, nagustuhan ko na siya. Di naman niya alam, napapsaya niya ako sa pakikipag usap lang sa kanya…” sabi  niya.

Grabe!!!

Paano kaya kung si Se fang fiancé ko noh? Siguro nagbreak off na kaagad kami dahil may mahal siyang girl at nagyon ay fiancé uli ako. Haha!

May nakapagturo sa amin kung nasaan si Chase. So, pinuntahan namin yun ni Sef. Malayo palang medyo naririnig kong may nagpia-piano. Familiar yung tune pero hindi ko alam kung anong song yun.

Kumatok ako. Then nag-stop yung music.

Si Chase yung nagbukas ng pinto.

“Jam, Anong ginagawa mo dito?!” gulat na gulat niyang tanong sa akin.

“Wala…kakausapin lang sana kita..”

“O, sige go..” sabi niya.

“Uhm, pwede bang tayo lang?”

Mukhang medyo naiirita siya. “Sige, basta mabilis lang ha..”

Dun kami sa isang corner, si Sef, nasa malayo.

“Chase, galit ka ba sa akin?”

“Hindi ako galit sa iyo sweetie..” sabi niya.

“Eh bakit iniiwasan mo ako?” tanong ko naman ulit.

“Basta, sikreto. Sige na. Umalis na kayo. Sweetie, may gagawin pa ako.”

“Chase, yung tungkol kay kuya, wag mung damdamin yun ha…”

“Look, Jamie. Seriously, I have to go.” at umalis siya.

Di ba, dapat masaya ako? Bakit ganun? Paarang may something na kumikirot sa dibdib ko?

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon