CHAPTER TWENTY PICTURE

11.1K 127 5
  • Dedicated kay Alyanna Mae Volpane
                                    

Day 18 December 5. MONDAY


Ang aga pa lang, dumating na agad si Chase. Ako naman, medyo sanay na sa routine namin. Halos 3 weeks na rin kasi kami.


“Good morning, Sweetie!” bati nya saken.


“Morning.” Sobra pagka-cheerful nya kumpara saken na parang tamad na tamad. Sino naman kasing sisipagin kung ang tanging nangyayari lang sa school eh binibwisit ka ng epal mong fiancé??


Pagdating sa school, ayaw ko nang pumasok. Maganda naman ang reason ko eh…


May picture.


At di lang basta picture. Picture namin ni chase na magkasma. Nasa isang MALAKING tarpaulin. Then, may nakasulat pa doon na “King and Queen”.


Grabe!


Sino kayang baliw ang nakaisip niyan? Sinong ewan na tao ang sa tingin eh, magandang practical joke to?!


“Sweetie, ganda ng kuha natin dyan ah.” Sabi ni Chase.


Kilala ko na ang number one suspect!!! -__-+++


“Chase…” grabe inis ko. Lumabas na lang ako sa kotse bago ako makasuhan ng murder.


Naku talaga! Pagpasok ko dun sa first class, nandun na yung mga friends ko. Nagngingitian sila.


“Good morning, your majesty.” Sabi ni Whitney.


“ARGH! Wag na wag nyo yang babanggitin sa harap ko.”


“Bakit?”


“Nakoo… Baka makapatay ako ng isang tao a.k.a. Chase Andrew de Guzman.”


“Grabe naman reaction mo. Picture lang yun ah.”


“Kahit na… ang point ko eh, di nya dapat ginawa yun. Grabe naman. Parang sumusobra na sya eh. Kung anu-ano na lang ginagawa nya kahit nakakahiya nay un. Besides, ayokong makumpara kay Alexandria.”

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon