Mga siguro one-fourth ng isang minute din na ganun, I mean yung kiss. Sa sobrang gulat ko, di na ako nakapagreact. Si Drake naman, di ko na napansin. Grabe kasi. Ma-heart attack ata uli ako. Natulala lang ako.
“Back-off.” tinignan niya ng masama si Drake.
“Let’s go sweetie.” hinila niya ako at tumakbo kami palayo. Pati si Drake, hindi nakapag-react.
Palabas na kami ng hotel nang narealize ko na paalis na kami. Bigla akong bumitaw.
“Hindi ako sasama sa iyo.” sabi ko kay Chase.
Nagulat naman siya sa sinabi ko. “Why?”
“Sira ka ba?! I have to get back there. Di mo ba alam na may mga investors?!”
“No! Hindi ka pwede bumalik. You are not safe there.”
“Pabayaan mo nga ako.” I turned to leave.
Shemay! Bigla niya akong binuhat! Yung parang pa-fireman! Arggghh!!
“Bitiwan mo ako!!” I couldn’t care less na maraming tao dun sa lobby, sobra na siya eh..
Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero dire-deretso pa rin siya. Pagdating naming sa guard, pinigilan siya.
“Sir, ibaba ninyo po siya..” sabi nung guard.
Ngumiti lang si Chase. “I’m kidnapping my fiancée.” sabi niya.
Ang ewan nung guard. Pinayagan ba naman siyang dumaan. Nako! Nakakabwisit ahh! Hindi ba niya gets na ayoko nga sumama sa lalaking ito.?!
Sinakay ako ni Chase dun sa Porsche na ginamit naming kahapon. Sinuotan ako ng seatbelt at siniguradong locked yung pinto para hindii ako makalabas. Then, pinaandar na niya yung car.
“Saan mo nanaman ako dadalhin?!” tanung ko sa kaniya.
“Anywhere but there. Hindi ka safe dun.” sagot naman niya.
“F.Y.I. nandun yung kuya ko. Kaya niya akong bantayan.”
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!