CHAPTER SIX BESIDE YOU

13.7K 188 8
  • Dedicated kay Katrina Laurain Gaspar
                                    

A/N: Kate oh, ito na XD

CHAPTER SIX

Tinawagan ko si ate. Habang nakaloud speaker siya sa phone ko, nagtuturo siya kung paano magluto. Paikot-ikot naman ako sa kusina nina Chase.

Kailangan daw kasi sabi ni ate, soup daw ang ipakain ko. Tapos dapat mainit pa daw. Makakatulong daw yun sa kanya. Eh di yun.

Pagkatapos, dumating uli ako dun sa room niya. Mukha siyang “suman” sa pagkakabalot niya sa kumot. Obvious na ginaw na ginaw na siya.

“Chase, kain ka na.” ang sabi ko sa kanya.

Mukhang super sama talaga ng pakiramdam niya.

Pinaupo ko muna siya, pinatong ko yung tray sa lap niya at pinabayaan siyang kumain.

Sana naman Lord ‘di ko to malison sa mukhang epic fail kong luto..

 Sumubo naman siya..

“Sweetie, may galit ka pa ba sa akin?” ng nangignginig niyang sabi…

“Ha?” ang sabi ko namang nagtataka..

“Parang pamatay itong luto mo eh.” then ngumiti siya.

Grabe kung hindi lang siya may sakit, nakatnggap na to ng sapak sa akin.

“Manahimik ka nag-effort ako diyan. First time ko magluto no.” ang sarkastiko kong sagot.

“Wag kang mag-alala. Di ko to sasayangin. Sisiguraduhin kong walang matitira.” then ngumiti uli siya na mukhang ngpapacute.

Bumalik naman yung mabilis na tibok ng puso ko.Hla, siguro mataas na talaga blood pressure ko. Grabe naman! Di nga ako mahilig sa meat eh or sa junkfood tapos ganito? Grabe!

Pagkatingin ko kay Chase, malapit na niya pala maubos ung lugaw na ginawa ko. Na-cucurious tuloy ako kung bakit niyasinabing pamatay yung luto ko.

“Chase.”

“Yes, Sweetie?”

“Patikim ako ng luto ko..” sabi ko

Inabot naman niya sa akin. Then, tinikman ko.

SHEMAY!!!

Pamatay nga!! Sobrang alat! Ano ba to? Sobra namang EPIC FAIL oh!

“Wag mo na tong kainin.”

“Gusto ko kaya to.”

“Wag na nga sabi eh! Ang sama ng lasa. Irereheat ko nalang yung luto ng mommy mo.”

Pero kinuha niya nung lugaw at tuloy tuloy lang sa pagkain.

“Chase tigilan mo na yan. Mamaya mas lumala pa yang pakiramdam mo dahil diyan eh.” medyo inis kong sabi.

“Ayoko. Ito ang unang pagkaing niluto ng sweetie ko. Ayokong aksayahin.” at inubos na nga niya.

Sobra rin ang determination ng lalaking ito ah.

“I’m done.” then ngumiti siya.

Kinuha ko yung tray ng pagkain tapos inabot sa knya ang water at biogesic (endorsement pa oh). Then, paalis na dapat ako.

“Sweetie, alam mo ba?”

Naplingon ako bigla sa kanya.

“Ano yun?”

“Nagindirect kiss tayo.” then ngiting pang asar.

I slammed the door hard. Bwisit! May ganun pa?! Bahala na nga siya. Uuwi na ako.

Kinuha ko yung gamit ko. Palabas na ako ng bahay nila nang bigla namang nag brownout.

At ako naman, tinamaan ako ng konsensiya ko.

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon