CHAPTER 37 CHRISTMAS WITH YOU (1)

9.9K 131 11
                                    

(CHASE POV)

“Ikaw naman oh. Eto na oh. Merry Christmas at… Happy Birthday.” Sabi ni Mica. Tapos, ayun nagtago na sya sa comforter ng kama ko.

Napangiti naman ako. Ang cute nya talaga.

Kanina pa akong parang bata. I can’t help it. Sabi nya kasi na may regalo sya sa akin at hindi ko expected yun. Natuwa rin ako kasi binate nya ako ng Happy Birthday kahit na alam kong tapos na yung birthdayko. Napasaya na nya ako nun.

Medyo badtrip nga eh. Hinintay ko kasi syang dumating. Nandun nga ako sa may pintuan at inaabangan sya. Gusto ko san syang makita eh.

Binuksan ko yung paperbag. At ang mahiwagang gift ay…

PAYONG…?

Binuksan ko yung payong. Nakakatawa. May nakalagay pang design na parang mga langgam. O di ba? ang creative ng Sweetie ko. Alam kong joke lang para sa kanya tong gift na to pero Masaya na ako. Makita nga lang sya, Masaya na ako. Nang malaman ko na I get to spend Christmas with her, para na akong bata na na-excite.

Yung nandito sya, sapat nay un na birthday gift at Christmas gift. Okay na sa akin yung payong kasi, at least, naalala nya ako.

Binuksan ko yung box at nagulat ako.

Yung regalo nya, necklace.

Akala ko pa naman ayaw nya yung gift ko. Yun pala ganun din ireregalo nya saken. Hindi naman sa assuming ako na gusto nya ako. Masaya ako na na-appreciate nya yung binigay ko sa kanya.

Tinanggal ko na yung pagkaka-talukbong nya sa cover. Tapos, inayos ko para makatulog sya nang maayos. Di pa pala sya naka-unan. Kumuha ako ng unan tapos, dahan-dahan kong inangat yung ulo nya para di sya magising. Nung okay na, dun ako humiga sa tabi nya.

Ang ganda talaga nya. Para syang anghel. Bihira ko lang sya Makita na ganito. Kadalasan kasi, naiirita sya sa akin. Pero kahit ganun, maganda talaga sya. Kahit nakakunot yung noo nya, ang cute tignan.

Yung lampshade sa likod nakatapat sa kanya. Para tuloy syang mag halo. Ang swerte ko talaga sa kanya. Sana…sana gusto na din nya ako.

HAY!!

Tumingin na lang ako sa ceiling. Ano ba to!! Para na akong ewan. Nag-eemote mag-isa. Mamaya, may laslas na ako nito 0h. Joke lang.

Pero sana nga talaga. Kasi ako, di ko sya gusto… MAHAL KO SYA.

HAY!!

Tama na. pati ako, nababaliw eh.

Bigla nyang hinila yung braso ko at niyakap.

O///O

T-T-TEKA!!!

Tinignan ko sya. Tulog pa rin sya. Pero ngayon, umiiyak sya habang tulog.

Para tuloy… parang gusto ko syang gisingin. Pero, di ko kaya. She’s still like an angel. Then, it’s like my heart’s breaking dahil umiiyak sya.

“Bite…” Bigla syang nagsalita.

BITE??

BITE?! Hahahahaha! Yun pala iniiyakan nya. Kala ko naman napakaseryoso.

Sinubukan kong tanggalin yung pagkakahawak nya para punasan ko yung luha nya. Pero, no use. Ginalaw ko lang yung braso ko eh, mas hinigpitan nya yung pagkakayakap nya.

“Bite, wag kang umalis. Dito ka lang.” sabi nya.

Sigh…

“Hinding-hindi ako aalis.”

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon