Para kay Mary. HAPPY BIRTHDAY!! Stay pretty ah. Tama na ang pag-iyak. We love you >:D<
---------------
Grabe! Lutang yung kaluluwa ko. Nagfieldtrip ata somewhere kaya ang weirdo ko.
Nung Monday, nagising ako ng 8 AM. Akala ko, male-late na ako. Nagmamadali akong naligo and stuff. Then, pagbaba ko, nagulat ako nang Makita ko yung ate ko sa sala. Tapos, sabi nya saken, “Happy Vacation!”
Amputek! Bumalik ako sa kama at natulog uli. nga pala, dito pa rin ako kina ate. Kinahihiya ata ako ng ate ko kaya ayaw ako ipakita kina mommy. Pano naman eh, nagfieldtrip daw kaluluwa ko.
Four days na ang nakakalipas pero paulit-ulit pa din yun sa isip ko.
For example…
Nagring yung phone. Ang nilapit ko sa tenga ko, yung remote ng TV. Ang pinanglipat ko ng channel, yung cellphone ko. Pasalamat na lang siguro ako na hindi plantsa yung hawak ko.
Nag-grocery ako nung isang araw. Then, inutusan ako ni ate na itapon yung basura. Tutal, malapit lang naman daw. Ang natapon ko, yung grocery. Ang nadala ko sa kitchen, yung basura.
Para talaga akong baliw. Ang malala pa, nagkaka-insomnia ata ako. Yung bwisit na pagmumukha ni Chase, nagpapakita sa akin gabi-gabi. Di talaga nawawala. Kaya ayun, alas tres na ako kung matulog.
Pero yung pinakamalala, nahuli ako ni ate nung isang araw. Nanonood na kasi kami ng TV. Tapos, yung palabas, Never Been Kissed. Then, sa part na finally, nagkiss na si Drew Barrymore at ang kanyang leading man, napahawak ako sa lips ko. Tapos, naalala ko yung sinabi nya…
“WALA! SABI KO, I LOVE YOU JAMIE!!”
Napangiti ako. Then, naalala kong bawal ako ma-fall sa kanya.
“No! umalis ka sa isip ko! Alis! Alis!” napasigaw ako. At saka ko lang naalala na di ako nag-iisa.
“Ah…haha…ate…nagulat ka noh? Hahaha.” Mukha akong SB. Makapagpalusot lang talaga.
“Teka nga, in love ka pala.” Sabi nya with shining eyes na parang sobrang saya nya.
“Hindi ah.”
“So, sino? Is it Chase? Wah! Sabi ko na nga ba mafa-fall ka dun. Pano ba yan Tina, libre mo kong Starbucks!” tapos, tumalon-talon sya.
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Storie d'amoreanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!