CHAPTER TEN THE DATE (2)

12.5K 177 15
  • Dedicated kay Charmaine Villarino Dizon
                                    

A/N: Okay. Medyo in-edit ko po yung Chapter Nine. At ito na ang pinakahihintay na Chapter ten XD)) Sige na umpisahan na natin ang kakiligan. Bonus pala, may POV si Chase :))

CHAPTER TEN

After lunch, nag-ikot naman uli kami sa park. Nang napansin niyang medyo bored na ako, sumakay na kami sa kotse. Then nag-stop kami sa isang bahay.

“Ano to?” tanong ko.

“Orphanage. Dito nag-dodonate yung dad ko. Balak niya kasi maturuan na rin yung mga bata dito. Naghihire siya ng mga teachers at bahala na ang dad ko sa sweldo”.

“Wow”. Speechless ako. Ang bait naman ng dad niya. Idol!

Pumasok kami. Pagkakita sa kanya ng mga bata, nagtakbuhay ang mga ito papunta sa kanya.

“Kuya Chase! Kuya!” sigawan nila.

“Oh ano na? Natutunan niyo na bang magbasketball?” tinanong niya yung mga batng lalaki.

“Opo kuya Chase. Naka-shoot na nga ako kahapon eh!”

“Kuya Chase! Kuya Chase! Laro tayo!” sabi nung isang bata.

“Wait lang, di ako pwede sumali.” sagot niya.

“Bakit?” sabi ng maga bata.

Bigla niya akong inakbayan.

“Di ako sasali hangga’t ndi rin siya sasali.” sabi ni Chase.

“Sino po siya?” tanong nung isang batang lalaki.

“Ito si Jamie Nica Reyes. Siya ang sweetie ko.” ngiting ngiti si Chase.

“Ako si Jamie, tawagin niyo nalang akong Ate Jam ok?” sabi ko.

“Opo, Ate Jam!!.” sabi nila.

Nakakatuwa silang tignan.

“Anong lalaruin natin?” tanong ko sa kanila.

“Langit Lupa!!” sagot nung isang bata.

At naglaro na nga kami. Sobrang saya ng laro. Pakiramdam ko, bumalik ako sa pagkabata.

Biglang may umiyak. Nilapitan ko yung bata. Nagulo yung buhok niya. Tapos, may sugat yung tuhod niya.

“Okay ka lang?” tanong ko sa bata.

“Ate Jam, dumudugo…”

“Halika…” dinala ko siya sa isang bench. Kinuha ko sa bag ko yung towel, then, binsa ko yun, pinunasan ko yung sugat niya. Nilagyan ko ng betadine, buti na nga lang pala na lagi akong may band-aid. So, nilagyan ko ng band-aid yung sugat niya.

“Ate Jam, may mommy and daddy ka ba?” tanung nung bata.

“Oo.”

“Ako wala eh. Lahat kami dito, wala.”

“Ano ka ba, magkaka mommy at daddy rin kayo.”

“Ate Jam, kwento mo naman mommy at daddy mo..”

“Hmmm…tatalian ko muna buhok mo..”

“Sige po..”

Binraid ko yung buhok niya.

“Ahm.. yung mommy ko, matalino. Only child siya. Sosyalin yun. Sanay sa mga formal gatherings. Perfect yung manners. Daddy ko naman, sobrang seryoso. Palaging business ang pinaguusapan at inaatupag. Mukha yung masungit.” sabi ko.

“Okay naman pala parents mo, Ate.”

“Okay nga sila pero minsan hindi ako sang-ayon sa gusto nila.”

“Bakit?”

"Kasi gusto nila akong ipakasal sa taong hindi ko naman kilala."

“Sino?”

“Si kuya Chase niyo.” sabi ko.

“Ayaw mo kay kuya Chase, Ate Jam?”

“Hindi naman. Ayaw ko lang na ipagpilitan ako nina mommy sa kanya.”

“So ate Jam, paglaki niyo, kayo ang mag-asawa?”

“Pwedeng maging ganun…”

“Okay lang yun. Crush ka naman ni kuya eh, ate..” sabi nung bata. Malapit na ako matapos sa pag-aayos sa kanya nang bigla akong napatigil.

“Bakit mo naman nasabi?”

“Sabi kasi ni Kuya Chase, ang dadalhin lang niya dito na girl ay yung girl na love niya,”

“Joke lang niya yun. Oh, okay na! Balik ka na dun sa laro..” sabi ko.

“Thank you ate.. I love you! Love ka din ni Kuya!”  kiniss ng bata yung cheek ko then tumakbo.

Totoo kaya yung sinasabi nung bata? Kung totoo yun, then, that means na….

GUSTO NIYA AKO!!

Shemay! Jamie, maghunos dili ka! impossible yan.Pero diba nung gabi, sabi niya crush ka na niya? arggghhh! Tama na nga!!

Bumalik na ko dun sa place kung saan sila naglalaro. Dala ko yung SLR. Pinicturan ko sila habang nagtatakbuhan.

Sobrang saya ni Chase habang nakikipag laro sa mga bata. Pinicturan ko siya. Grabe! Dati, di ako naiintindihan ang sinasabi nila na pa gang lalaki daw magaling sa bata, nakakapagpagwapo daw yun sa kanya. Ngayon, gets ko na.

(CHASE POV)

Nakita ko si Mica. Nilapitan niya yung batang umiiyak. Ang bait niya talaga. I know na di ko masasabing in love ako sa kanya, pero feeling ko, siya yung right girl.

Sinundan ko sila nung bata. Syempre patago. Hahaha :D Sobra. May first-aid kit na ata siya dun sa bag niya.

Actually, ang totoo, matagal ko na siyang kilala. At kasalan ko din kung bakit kami engaged. Tinanong ako ng parents ko kung sino ang gusto kong maging fiancée. Thirteen na ako nun. At si Mica yung pinili ko. Di ko alam kung bakit.

Fourteen na ako nang maging kami ni Alexandria. Minahal ko siya. Totoo yun. Pero siguro, di yung sobra. Kasi nung tumagal, nawala din yung feelings ko para sa kanya. Then, nakita ko yung ginawa niya.

Matagal na rin alam ni Alexandria na may fiancée na ako. Di niya lang alam kung sino. Pero sa tuwing malalaman niya n aim trying to find out more about my fiancée, nagseselos siya. Pero, alam ko na dati pa ang itsura ni Mica. Secretly, pinapakuhanan ko siya ng photos sa classmates niya nang hindi niya nalalaman. Siguro nga maypagka-stalker ako.

That’s right, nung Makita ko siya dun sa bar, sobrang ganda niya. At that exact moment, she got my full attention. Di ko siya nakilala. Di ko maimagine na ganun pala ako kaswerte. So, gulat na gulat ako nang sinabi niyang fiancée ko siya.

Okay na sigurong mukha akong baliw. Gusto ko kasing patawanin at pasayahin si Mica. Pag nakangiti kasi siya, pati ako napapangiti na rin.

Nung nagkasakit ako, siya ang nag-alaga sa akin. Alam kong set-up lang iyon ni mom pero sobrang saya ko. Kabadong-kabado ako eh. Tapos, nung natakot siya sa kidlat, pakiramdam ko, I want to protect her. At nang hinug ko siya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Dinala ko siya dito sa orphanage kasi nagdecide na ako.

I’ll do whatever it takes para sa loob ng 100 days kami parin.

And…

PARA SA BUONG BUHAY KO, SIYA PARIN AT WALA NANG IBA.

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon