December 24 SATURDAY
Four AM nila akong ginising. 5:00 kasi yung flight. Buti na lang may special treatment pagdating samen. Tapos, dire-diretso na lang kami. Sina mommy at daddy, nauna na samen sa France.
Si kuya yung nagdrive. Wala kasing driver’s license ang ate ko. Dun sa next car, ako at si Tina. Sa third car yung lahat ng stuff namin.
Pinahiram kami ni Whitney ng isa sa mga private plane nila. O, diba? Yaman talaga nun.
4:45 AM, nakatambay lang kami. Si Tina kasi, gutom pa pala. Gusto daw muna nya mag-coffee man lang. so, ayun, napasama ako.
“Tita Jam, I want cake!”
“Okay.”
Um-order na kami. Habang kumakain kami, lumapit na sina ate at kuya.
“Jam, okay na lahat ng bags natin. Mayamaya daw, sakay na tayo ng plane.”
“Yes, kuya.”
Kumain na kami ni Tina. Si ate at kuya, nagco-coffee daw muna.
“Sweetie!” may narinig akong sumigaw.
Teka…
Kilala ko yung boses na yun.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Pero, wala naman sya eh. Baka naman guni-guni ko lang yun.
Tama!
Baka naman dahil lang yun sa kakapasok sa isip ko ng bwisit na yun.
I sighed.
Siguro nga…
Kumain na lang ulit ako. Pero…
“Sweetie!!”
San galing yun?!
Wala pa rin talaga sa paligid ko, eh.
Baka naman na-imagine ko lang.
“Sweetie!!” mas lumakas yung boses.
Biglang may duct tape na nilagay sa bibig ko.
What the?!
“Sorry, Sweetie.” Malapit yung boses.
OMG! Si Chase!!
Pero… ba’t ako naka-buct tape? Tatanggalin ko n asana pero bigla nya akong binuhat. Yung pa-bridal style.
“Halika na.” ngumiti sya.
Then, tinanggal ko na yung tape.
“San mo ko dadalhin?! Bitawan mo nga ako!!”
“Jam, di ka sasama samen.” Sabi ni kuya.
Tumawa ako. “Weh. Di daw sasama. Nice joke, kuya. As if naman papaya sina mommy. Eh, every year, magkakasama kaya tayo tuwing Christmas.”
“Actually, pumayag sila.”
O_o
“Pinilit ko ata sila. Alam mo namang di maka-hindi sa akin sina Dad, di ba?” sabi ni ate.
“What do you mean?”
“You’ll stay with Chase until the 26th. O dib a? it’s my late birthday gift to you and Chase. Enjoy!”
Nagsialisan na sila. Ako naman, di ko alam gagawin ko.
“Sweetie…”
“…” try ko kaya mag-book ng flight para sumama sa France?
“Sweetie.”
“…” Or pwede rin na mag-stay muna kina Clara.
“Sweetie.”
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!