CHAPTER FOUR GIRLFRIEND

14.5K 191 5
  • Dedicated kay Jemelle Uayan
                                    

A/N: Naadik kasi si Jemelle, haha. Ito na yung 4 oh :D Enjoy :)

CHAPTER FOUR

Naghintay lang ako ng 5 minutes, dumating na din yung classmates ko. Tapos, yung prof. sobrang boring ng subject na un talaga! Kulang na lang ata, makatulog na ako.

Biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Clara

Babae, sundin mo na lang tong mga guidelines na to. Mapapa-fall mo sya.

1.       Be sure na mapangiti sya everyday.

2.       Magdate kayo.

3.       Do something sweet for him.

4.       Make him open up to you.

Pag nag-open up na sya, ibig sabihin nun, he really trusts you enough. Good luck!

Lecheng buhay naman oh… ang dami kong dapat gawin. Okay. Number one. Oo, nagawa ko na. Sobrang ngiti na nga yun eh. Mukhang baliw.

Mag-date? Ayoko. Nakakadiri. Mamaya kung ano gawin nun…

After ng class, nakita ko agad sya sa pinto.

Putek tong lalaking to ah! Sino nag-hire sa kanya na bodyguard ko?! Daig pa aso kung magbantay ha.

“Sweetie!”  Yun ang una nyang sinabi saken.

“Sino ka? Di kita kilala.”

“Sweetie naman, oh. Na-miss nga kita eh.”

“Tigil-tigilan mo nga yung kaka-sweetie mo saken.”

“Sweetie…”  Nag-pout sya.

Sobra. Mas magaling pang magpa-cute tong lalaking to kesa saken ah!

“Mukha tayong ewan pag tinatawag mo kong Sweetie. Parang panghayop na pangalan. Tigilan mo nga.”

“Ikaw nga lang tinatawag ko ng ganun eh.”

“Basta. Ayoko.”  I crossed my arms.

“Ako na lang magdadala ng bag mo.”  Sabi nya ng nakangiti.

“Ayoko nga.”

“Sige ka, bigla akong kakanta dito ng Girlfriend by Avril Lavigne. Sasayaw pa ako.”

Weh?! Maniwala… Imposible, noh? Walang lalaking nasa tamang katinuan ang gagawa nun.

“Ewan ko sa’yo.”

Bigla syang tumigil.

“Hoy, bakit ka tumigil?” Sabi ko.

Di sya sumagot.

“Everybody, listen up!”  Bigla syang sumigaw.

Hey, hey! You, you!

I don’t like your boyfriend!

No way! No way!

I think you need a new one!

Hey, hey! You, you!

I could be your boyfriend!

Kumanta nga at sumayaw pa. ano ba to? Tinuturo-turo pa ko at sumsayaw sya ng akala mo kasama sa Sexbomb Dancers.

Nakakahiya!

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon