Day 27 December 14, WEDNESDAY
I think I’m falling
Falling in love with you
But I don’t
I don’t know what to do…
Argh! Nagising ako dahil sa sintonadong version ng song na yun. Handa na sana akong pumatay ng tao na sumira sa napakasarap kong tulog pero nagulat ako sa nakita ko.
Si Clara, Clarice at Whitney. Nasa loob ng kwarto ko at mukhang feel at home na feel at home sila.
Isa sa mga dapat malaman tungkol sa akin? Peevish ako. Lalo na pag sinira ang napakasarap na tulog ko. Pag nabadtrip ako, buong araw yun.
Mukhang naramdaman nila na may masamang tingin na naka-stay sa kanila kaya isa-isang lumingon sa akin.
“Anong ginagawa niyo dito?” sabi ko.
“WAAHHH!!!! Tita Clara, s-si Mommy Jam, oh… Nakakatakot!” tumakbo si Whitney papunta kay Clara.
“Shhh… Wala kasi dito si Daddy mo eh.” Sagot naman ni Clara.
“S-Sino si Daddy?” Tanong ni Whitney.
“Sino pa ba, eh di si Chase.” Sabi ni Clarice habang nakangiti na pang-asar.
“Ah. Ganun pala ah…” sabi ko.
3…
2…
1…
Nagsitakbuhan na sila palabas ng kwarto ko. At ako naman, hinabol sila. Ayun, nag-ikot kami sa loob ng bahay. Siguro takot nga talaga yung mga yun. Di ko kasi nahabol. Eh ako pa ang second na pinakamabilis tumakbo sa aming apat. Si Clara ang pinakamabagal. Si Whitney naman pinakamabilis dahil mahilig din kasi mag-exercise at minsan, yoga pa.
Nandun na ako sa may sala. Hmmm… san kaya sumuot yung tatlo? Di ko na Makita. Ang bilis magtago. Pero san nga bay un magtatago?
Hmmm… -_-
Oo nga! Sa kitchen! Mga patay gutom din nga pala yung mga yun gaya ko XD))
Nagtiptoe ako papuntang kusina. Mahirap na… baka maramdaman pa nilang papalapit na ako. Medyo tahimik pero na-feel ko na may tao dun.
Pagpasok ko, biglang…
“SURPRISE!!”
O_o
Nasa kitchen ang ate Jasmine ko, yung pamangkin ko na si Tina (anak nina ate ah J), yung tatlong binabalak kong i-murder, yung kuya ko, at yung ‘nakakapuwing na dust’.
“Uhm… ate, kelan ka pa nandito?”
“Hmmm…. Around four hours, eight minutes and twenty four seconds ago.” Bati nya saken habang nakangiti.
At kung nagtataka kayo kung bakit ganito ang usapan. Balik sa (CHAPTER TWO) si ate ay nandito sa Pinas. Dahil nga sa error na nakita ng husband nya, they decided to check with our international business partners. At ngayon lang sya bumalik.
“Happy Birthday, little sis! Dalaga ka na!” Hi-nug nya ako ng super higpit. Mukhang di ako mabubuhay ng matagal nito. Nai-imagine ko na headline sa dyaryo: Reyes daughter dies Cause- lack of oxygen.
“Ate, tama na. parang mamamatay na yung bunso natin oh.” Saway ni kuya.
Bumitaw si ate at nagpout. “Sorry na po. Namiss ko lang naman yung little sis ko eh.” Grabe ate ko! Parang bata umasta!
“Kasi naman, mommy. Wag mong sakalin si tita. Pag nawala si tita, sige ka. Wala ka na talagang little sis, mommy.” Sabi ni Tina.
Tiningnan siya ni ate. “T-talaga?”
![](https://img.wattpad.com/cover/397674-288-k753812.jpg)
BINABASA MO ANG
100 Day Deal (Book One)
Romanceanong gagawin mo kung ang campus sweethearts ay nagbreak dahil may fiancee daw yung guy.. at ikaw pala ang fiancee nya?!