CHAPTER 39 CHRISTMAS WITH YOU (3)

8.8K 123 3
                                    

(CHASE POV)

Dito na kami sa beach. Dahil ang kasama ko eh si Mike lang at young boyfriend ng mga pinsan ko, bored na ako. Miss ko na yung sweetie ko. T_T

Pagkarating na pagkarating sa tent, agawan agad ng pwesto. Ako naman, din a nakisali sa kanila.

“Hoy! Boy, anong pinagmumukmok mo syan?” sabi nung Jordan.

“Ganyan talaga yan. Gusto na naman kasing ma-solo yung girlfriend nya. Eh, last night na to. Malas nya lang, naagaw nina Maria yung girlfriend nya.” Tawa lang ng tawa si Mike.

Sige, Mike. Tawa lang. ikaw na Masaya.

“Buti nga ako, may girlfriend. Kesa ikaw, basted.” Sagot ko naman.

“Eh g*go pala to eh!” Ayun. Pikon na naman.

Nag-ring yung phone ko.

MY ONE AND ONLY SWEETIE <3

Ngumiti ako.

“Oh! Oh! Tignan nyo yan oh. Nababaliw na!!” sabi ni Mike.

Pinagtinginan lang sya nina Jordan at Nate.

“Boy, nakakaawa naman.” Sabi ni Jordan.

“Oo nga. Mukhang wala nang nagmamahal.”  <- Nate

“Ang sabihin mo, kulang sa pagmamahal ng babae.” <- Jordan

Sabay tawanan uli yung mga loko.

Psh. Mas importante yung sweetie ko kesa sa mga baliw na to noh?! Umalis lang ako sa tent. Maayos na yun. Baka di ko pa marinig sweetie ko sa sobrang ingay dun.

“Sweetie!! Namiss mo ko agad?” tinanong ko sya. Bakit? Kasi miss ko sya agad.

“Ewan ko sayo.” Ang sakit ah. Cold sya lagi =))

“Mahal mo lang ako eh.” Sige. Isang hirit pa.

“Magtigil ka nga. May hihilingin lang akong favor sayo.” Ouch. Kaya pala.

“Ano yun? Sabihin mo lang. I’ll do anything para sa sweetie ko.”

“Magdala ka ng tshirt mo na pwedeng hiramin. Tapos, pumunta ka dito sa tent namin.”

“Yes, sweetie.”

“Chase, pakibilisan ah.”

“Yes, sweetie.”

“At s-salamat.” O sige na. pati heartbeat ko, pinapabilis nya.

“Uhm… y-you’re welcome.” Sabi ko.

Ano ba!! Nauutal na naman ako. Bahala na nga >.<

Bumalik ako dun sa tent at kumuha ng tshirt.

“Hoy! Chase! Hoy! Hoy!” tinatawag ako ni Mike.

Di ko na lang sinagot.

“San ka pupunta?”

“Sa kabilang tent. Sige. Alis na ko.” Di ko na hinintay na makasagot sila. Mamaya, baka mangtrip pa yung mga yun.

Pagpasok ko sa tent nina Sweetie, may nakita akong nakatalikod. Pero naka-bikini eh. Siguradong hindi ito yung Sweetie ko. May allergy ata yun sa mga pambabaeng damit eh.

“Sweetie, ito na yung-” pero, may kutob ako na sya to.

Bigla syang humarap.

O_o

“Ahm… salamat.” Sabi ng sweetie ko.

Binato ko sa kanya yung tshirt. Syempre,mahina lang. ayoko atang masaktan ang sweetie ko. Tapos, tumalikod ako.

Bakit?

Ang ganda kasi nya. Di naman tipo ng babae na pang-FHM. Ayoko din naman kasi ng ganun. Yung parang masyadong showy na babae-yung mga sobrang confident sa sarili.

Pero, di ganun si Jamie. She’s… she’s clueless na sobrang ganda nya. Para pa nga syang ayaw sa itsura nya. Di nya ba nakikita na ang dami namin na nagkagusto sa kanya?

Di sya sobrang sexy. Tama lang. pero dahil sa suot nya, parang mas lalo tuloy nahalata yung pagkasexy nya.

Tss… tigilan na nga.

Bakit ako ganito? Simple lang. kasi, I’m a guy. There are certain things we find attractive. At sa ngayon, I find Jamie attractive.

Damn! Tama na. I promised myself na hihintayin ko sya at pag sinabi nya lang na right time na, at saka lang. pero syempre, marriage muna.

“Okay na.” kinuha ko yung kamay nya. Ayaw na ayaw ko na tong bitawan. At paglabas namin sa tent…

*TEN-TE-NE-NEN* drumroll please…

Nasa labas halos ang buong angkan. Syempre, nangunguna ang aking ina. Aish! Sabi na nga ba eh…

“Mom.” Sabi ko. Si sweetie naman, tahimik lang pero halatang nahihiya na.

Na-gets ata ni mom na nababadtrip na ako kaya ayun, umalis na. at yung tatlong baliw na kanina pa ako binibwisit, di lumapit. Takot siguro.

“Halika na. Lunch na.” hinila ko sya. Tapos, dun kami papunta sa parang nipa hut na lagi naming tambayan dito.

Pansin ko lang, di pumapalag si sweetie. Okay na sa kanyang hawak ko yung kamay nya.

Napangiti ako bigla.

Siguro… siguro may pag-asa ako sa kanya.

A/N: Okay. Next week na ang next update. hahaha. Salamat sa pagbasa. Read. Like. Comment. <3

100 Day Deal (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon