Sabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❀ Hello! I'm so happy to have you here, and I truly hope you enjoy reading this story as much as I enjoyed writing it. This little piece of my world is crafted not to be perfect but to be felt by your heart. If you're searching for a flawless tale, you might want to look elsewhere; I wouldn't want to waste your time if my story doesn't meet your expectations. My main purpose in sharing this is to release my stress and find joy in the process of writing. Thank you! ❀
You can also grab a copy of my books at Summit books shops and in bookstores nationwide!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Cover Design by Heynette
__________
Prologue
"Anong kailangan?" Napakagat ako sa ibabang labi nang marinig ko ang ma-awtoridad na boses ni Dad mula doon sa tapat ng gate, may pumunta kasing kaklase ko at para bang gusto nitong umakyat ng ligaw.
Halata sa mukha ng kaklase ko ang pangamba, "Ah, eh. Si Sabrina po?"
Humalukipkip si Dad. "May gusto ka sa anak ko?"
Napalunok naman ito at mukhang namutla pa.
"O...opo."
"Ilang taon ka na?"
"Eighteen po."
"Disiotso. Nagkakagusto ka na, ano bang trabaho mo? Kaya mo bang buhayin ang anak ko na hindi humihingi ng tulong sa mga magulang mo? Sa itsura mo eh mukhang nanghihingi ka pa ng baon." Hindi naman nakasagot ang kaklase ko at dali-dali itong kumaripas ng takbo.
"Si Dad talaga." Nakangusong ani ko saka nagmartsa pabalik sa mesa kung saan nakalatag ang mga libro ko.
"Wala talagang magtatangkang manligaw kay Ate Sabrina niyan." Ngisi ng kapatid kong si Shara.
"Isa ka pa Shara, kayong dalawa ng Ate mo, walang sino man ang maaaring manligaw sa inyo hangga't wala pa kayo sa tamang edad. Mag aral kayong mabuti at magpakasasa muna sa pagkadalaga." Iyon ang madalas sabihin ni Daddy sa amin sa tuwing may magtatangkang manligaw sa akin.