Chapter 9

119K 1.3K 27
                                    

Chapter 9

 

“Start na!!!” – natauhan ako ng marinig ko ang sigaw ng photographer namin, tumayo na ako pero biglang hinila ni Rian ang kamay ko.

 

“Sabrina?!” – punong puno ng tanong ang mata niya.

“A-ano ka ba Rian! Hindi noh! Bakit mo ba naisip yan?!” – tinignan ko siya sa mata niya, hindi ko masasabing kumbinsido siya sa pagpapalusot ko.

“Sabrina!!!” – sigaw ni Mr.Joe!

“Anjan na po!” – sigaw ko, hinila ko na ang kamay ko  kay Rian.

Hindi ako mapakali dahil sa binibigay na tingin saakin ni Rian..

“Anong nangyari bakit ang lamig ng kamay mo??” – nabigla ako ng magsalita si Michael.

“Ah, wa-wala! Ano ka ba..”

__

Pagkatapos ng pictorial namin tinulungan akong mag bihis ni Rian at may inaabot siya saakin..

“Mag ingat ka.” – tinignan ko ang hawak niya na mga tableta..

“Anong gagawin ko jan??” – iritang tanong ko..

“Sabrina, mas mabuti ng nag iingat.. Inumin mo ‘to araw araw!” – sabi niya at pinagpilitang iabot saakin yung pills.

“Ano ba Rian?! Sinabi ng wala diba?! Bat ba ang kulit mo?!!” – itinapon ko sa basurahan yung pills na ibinigay niya saakin at lumabas na ng dressing room.

“Sabrina sandali!!” – narinig kong sigaw ni  Rian.

“Love!” – biglang bumangad saakin si Michael, napalingon ako kay Rian at nakita ko ang pagkunot ng noo niya..

“Aalis na ba tayo??” – tanong ko kay  Michael..

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon