Chapter 28
Michael Cando
Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang ultrasound ng anak namin ni Sabrina at tama ang hula ko, lalaki nga ito. Wala namang kaso sa akin kahit anong gender pa 'yan, basta ang mahalaga maging healthy siya.
Bumaba na ako ng sasakyan upang ibalita kay Akira ang gender ng anak ko. Kaagad akong pumasok sa bahay pero tahimik ang buong kabahayan, wala din doon ang mga kapatid niya. Lumabas ako ulit at pumunta sa likod kung saan ang hide-out namin ni Akira kapag nag shoo-shooting range kami.
Natigilan ako dahil nakita kong may kausap siya at nang masilip ko kung sino 'yon ay nanlaki ang mata ko nang makita ko si Nathan.
"Hayop ka! Akala ko iba ka! Pero katulad ka lang din pala ng Tatay mong si Gary!" Napakunot ang noo ko sa mga naririnig, pinili kong hindi magpakita sa kanila dahil mukhang seryoso ang pinag uusapan nila ngayon para umiyak ng gano'n si Akira.
Pero ang mas nagpagulat sa akin ay nang malaman kong anak ni Gary si Nathan.
"Aira, hindi ko sinasadiya!" Pilit niyang hinihila sa braso si Akira pero malakas ang pangangatawan ni Akira para kumawala sa kanya. "Bitawan moa ko! Nandidiri ako sa buong pamilya mo! Pinatay niyo ang mga magulang ko, pinatay niyo sila! At sa pagtago mo ng katotohanan sa akin parang pinatay mo na rin ang buong pagkatao ko!" Humahagulhol na hiyaw ni Aira sa kanya, kita ko sa mukha ni Nathan ang pagkabalisa.
"Hindi ko gustong itago sayo. Ginawa ko lang lahat ng 'to para protektahan ka."
Ngumisi ng mapait si Akira, "Protektahan ako? Sa tingin mo ba naging maayos ang buhay ko pagkatapos ng mga ginawa mo? Tandaan mo Nathan, pagbabayarin niyo ang ginawa niyong pagpatay sa Mama at Papa ko!"
"Aira, makinig ka muna sa akin, please." Pakiusap ni Nathan pero kaagad siyang tinutukan ng baril ni Akira.
"Umalis ka na, Nathan. Hindi ako magkakamaling iputok 'to sayo!" Humakbang palapit sa kanya si Nathan pero isang malakas ng putok ng baril ang pinakawalan ni Akira sa paanan ni Nathan.
"Umalis ka na!"
"Babalik ako, Aira. Babalik ako kapag handa ka nang makinig sa akin."
At nang makalingon si Nathan sa pwesto ko ay kaagad nagtama ang mga mata naming dalawa, puno ng alit ang pagtitig niya sa akin, sandali siyang natigilan pero kaagad din siyang nakabawi at naglakad palapit sa akin.
"Magtutuos din tayong dalawa sa ginawa mong pagpatay sa kapatid ko." Pagbabanta niya baka pa tuluyang umalis.
Muli kong ibinalik ang tingin kay Akira na ngayon ay nagsusumigaw habang binabaril ang mga bote sa harapan niya. Ang nagpakilos sa akin papalapit sa kanya ay nang itutok niya sa kanyang sintido ang baril, mabilis ko siyang hinila sa braso paharap sa akin. Hilam na hilam ang mga mata niya sa luha at para bang kahit anong oras ay babagsak na siya.
"Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas niya nang yakapin ko siya ng sobrang higpit. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya ng ganito kahina, palagi siyang matatag pagdating sa mga kapatid niya. Siya ang tumayong magulang para mga ito.
"No." Pagmamatigas ko at pilit kong hinila ang baril sa kamay niya at mas ikinulong ko siya sa bisig ko upang hindi niya masaktan ang sarili niya.
Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak at sumigaw hanggang sa manghina na ang katawan niya. "Pinatay nila ang magulang ko." Mahinang bulong niya sa pagitan ng mga hikbi.
Ikinuyom ko ang kamao ko dahil hindi ko pa man din nalalaman ang buong kwento ay ramdam ko na ang pasakit kay Akira. Buong akala niya ay sa isang aksidente namatay ang mga magulang niya.
Huminga ako ng malalim. "Magkasama tayong gaganti, Akira."
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...