Chapter 20
Michael Cando
"H'wag kang mag alala. Napapaikot ko na silang lahat."
"Basta, Kuya, palagi kang mag iingat."
Kaagad ko ng pinatay ang tawag ngunit pag-lingon ko ay kaagad kong nakita si Akira na nakatitig sa akin ng buong pagtataka.
"Ah, tara na uwi na tayo!" Alam kong narinig niya ang usapan namin ni Michelle, madalas niya akong nahuhuli sa tuwing kausap ko si Michelle, pero ni minsan ay hindi niya ako inilaglag.
Naglakad na kami papunta sa kotse at umuwi sa bahay nila kung saan pansamantala rin akong tumutuloy kasama sila ng mga kapatid niya. Sa kanya ako ibinilin ni Gary upang bantayan ang lahat ng kinikilos ko.
"Kuya Michael!" Masayang bati ng mga kapatid niya, tinanguan ko lang ang mga ito at dumiretso na ako sa kwarto ko.
Dalawa lang ang kwarto sa bahay na 'to at lahat silang magkakapatid ay magkakasama sa isang kwarto, samantalang ako naman ay solo lang dito.
Mabilis akong naghubad ng tee-shirt dahil sa tindi ng init sa bahay na 'to. Mababa ang bubong at walang kisame, binuksan ko ang electric fan na init lang din ang lumalabas na hangin.
Napakunot ang noo ko nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko.
"So-sorry!!" Si Akira lang pala, umiling ako at naupo sa monoblock chair saka tinignan ko ang drawer kung saan may nakatago akong mga bala ng baril.
"Anong kailangan mo?" Wala sa wisyong tanong ko sa kanya.
Tumukhim siya at para bang nahihirapan siyang buuin ang mga sasabihin niya.
"A-ano, hindi, teka nga, pwede bang mag tee-shirt ka naman? Naaalibadbaran ako sa katawan mo eh." Reklamo niya, tumayo ako at humila ng isang sando doon sa durabox.
"Napakainit dito sa bahay niyo, Akira." Reklamo ko sa kanya nang maisuot ko na ang sando.
"Ano bang kailangan mo?" Ulit ko sa kanya.
Isinara niya ang pintuan para siguro hindi siya marinig ng mga kapatid niya, walang kalam alam ang mga kapatid niya kung saan niya kinukuha ang mga pera para lang mabuhay sila.
"May pinaplano ka ba?" Halata ko sa boses niya ang pangamba.
"Bakit? Isusumbong mo ba ako kay Gary?" Walang ganang ani ko saka inilock ang drawer kung saan nakatago ang baril ko.
"Delikado Michael, alam mo ang mangyayari." Pagbabanta niya.
"Handa ako sa mangyayari Akira." Malamig na sambit ko, humila ako ng yosi sa isang kaha saka sinindihan iyon at hinithit.
"Hindi ako papayag na maging sunod-sunuran lang sa kanya. Mas lalong ayokong maging kriminal, pero kung 'yon ang kailangan kong gawin para mailigtas ang pamilya ko, gagawin ko."
Napalunok siya. "Pa-papatay ka?"
"Minsan na akong nakapatay." Matatag na sabi ko.
"Pero, aksidente lang 'yon. Hindi ba?" Naikwento ko na kasi kay Akira ang dahilan kung bakit gano'n nalang ang galit sa akin ni Gary.
Tinignan ko siya habang bumubuga ako ng usok. "Bakit natatakot ka ba sa akin?"
"Hindi ako natatakot sayo, natatakot ako sa pwedeng gawin ni Gary sayo at sa pamilya mo. Alam nating dalawa kung anong kaya niyang gawin!"
"Uunahan ko siya."
"Michael! Mag isip ka naman! Hindi lang ikaw ang pinag uusapan dito! Kapag nalaman ni Gary na may ala mako sa mga plano mo, lahat ng kapatid ko madadamay!" Natatakot na sigaw niya, pansin kong namamasa na ang mga mata niya. Patay na ang mga magulang niya kaya naman naiitindihan ko ang takot na nararamdaman niya para sa mga kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...