Chapter 12

92.5K 1.2K 101
                                    

Chapter 12

 

 

Makalipas ang dalawang araw, hindi ko nanaman ulit siya nakita..

“Anak?” – tawag ni Mom saakin, lumapit siya saakin at umupo sa tabi ko, nandito ako ngayon sa garden..Binabantayan ko ang cellphone ko dahil baka bigla siyang tumawag..

“Napapansin ko ilang araw ka ng malungkot, may problema ba?” – tanong ni Mom..

Napatinigin ako kay Mom, iniisip ko kung sasabihin ko na ba sakanya na boyfriend ko si Michael.. Natatakot ako, pero ang sabi naman ni Mom h’wag akong magsisekreto sakanya..

“May kasalanan po ako sa inyo..” – bulong ko.

Nakita ko ang pagkabigla ni Mommy..

“Kasalanan?” – naguguluhang tanong niya..

“Mom..si Michael..boyfriend ko po siya.” – bulong ko..

Hinihintay kong magsalita si Mommy, pero narinig ko ang mahinang tawa mula sakanya..

“Akala ko naman buntis ka.” – nakangiting sabi ni Mommy, bigla akong natigilan..

Hindi ako makapagsalita, tatlong beses ng may nangyari saamin ni Michael at kahit kailan hindi kami gumamit ng proteksyon..

“Alam mo anak,okay lang naman na magboyfriend ka eh.. Ang ikinatatakot ko lang ay ang magaya ka sa ibang kabataan jan..Alam mo bang sa panahon ngayon maraming mga kabataan ang nagpapadala sa emosyon nila, hindi nila iniisip kung anong pwedeng mangyari kung sakaling harapin na nila ang isang malaking responsibilidad.. Mahirap yon..” – litanya ni Mom, hindi ako makaimik.. Biglang umurong ang dila ko at sunod sunod na mabilis na pagtibok ng puso ko ang narinig ko dahil sa kaba.

“Dalaga ka na anak.. Ang bilis bilis ng panahon, may boyfriend ka na..” – nakangiting sabi ni Mommy..

Hinimas niya ang buhok ko at niyakap ako.

“Yang puso mo dapat isa lang ang laman niyan, pero dahil bata ka pa anak tandaan mo.. Marami ka pang makikilang iba kaya h’wag mo munang ibibigay ang lahat ng meron ka dahil sa bandang huli ikaw rin ang masasaktan..” – hindi naalis ang yakap saakin ni Mommy habang sinasabi iyon, ganito ba talaga ang pakiramdam kapag alam mo sa sarili mo na may itinatago ka sa magulang mo? Nakukunsenya ka at hindi mo alam ang isasagot mo sa mga sinasabi nila sayo.. Humiwalay si Mommy sa pagkakayakap saakin.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon