Chapter 25
Michael Cando
Pagkarating namin sa bahay ay kaagad akong tumungo sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig at tinungga ang isang bote doon.
"Gusto mo ng tubig?" Alok ko kay Akira na ngayon ay nakaupo sa monoblock chair at pinagmamasdan ako.
Tumango siya bilang sagot kaya binigyan ko siya ng isang bote at umupo din ako sa kaharap niyang upuan.
"Salamat." Buntong hininga niya, kanina ko pa napapansin ang pagkabalisa niya.
"Nagkita kayo?" Halos ibulong nalang niya iyon.
Tinignan ko siya at nginitian, "Yeah."
"Akala ko ba iiwasan mo na siya? Para mailigtas sa mga kamay ni Gary?" Usisa niya.
"Yun din ang akala ko. Pero hindi ko pala kaya. Nang makita kong may iba siyang kasama nilamon ako ng matinding selos."
"Anong plano mo?" Mapaklang tanong niya. Ilang linggo na rin akong tumatakas sa operation upang mangalap ng impormasyon tungkol sa spy na si Dark Jaguar, minsan ko na kasing narinig sa usapan ni Gary at ng mga tauhan na dapat maunahan nila itong patayin bago pa makalaboso ang mga operasyon nila.
Si Dark Jaguar ang head ng spy na matagal nang pinaghahahanap si Gary upang matimbog ang pag aangkat nito ng droga sa Pilipinas at iba't ibang bansa.
"Dark Jaguar." Matatag na sambit ko na nagpagulat kay Akira. "P-paano mo nalaman?"
Ngumiti ako ng mapakla. "Narinig ko mula sa bibig ni Gary 'yon."
Napailing si Akira, "Pero, wala pang nakakahanap kay Dark Jaguar, maraming tauhan na ni Gary ang sumubok hanapin siya dahil hindi na nila kinakaya ang pagpaslang nito na maging ang mga kaanak nila ay nadadamay. Pero lahat sila bigo at namamatay sa kamay ni Gary."
Pero buo ang loob ko para sa anak ko at kay Sabrina.
"Nakahanda na ako kay Gary, matutulungan mo ba ako?" Titig na titig na tanong ko sa kanya.
Sandali siyang natigilan bago sumagot.
"Oo..."
"Sinasabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis!" Sa sobrang tuwa ko ay sandali ko siyang niyakap.
Pero nagulat ako nang bigla niya akong tinulak at tumayo.
Nakakunot ang kanyang noo at umiling na para bang hindi nagugustuhan ang mga nangyayari at laking gulat ko nang bigla niya akong halikan pero mabilis din siyang kumawala.
"Kasalanan mo." Ngumingisi pero naluluhang sambit niya. Nakakaramdam akong may kakaiba sa mga ikinikilos niya pero ayokong pag isipan ng kung ano man 'yon dahil parang naging isang kapatid ko na din siya.
"Paasa ka. Nakakahiya man aminin, pero shit. Hulog na hulog na ako sayo, Michael!" Sigaw niya at tuluyang na ngang bumagsak ang luha niya. Napalunok ako dahil medyo naramdaman ko na kanina 'yon sa sasakyan nang sigaw sigawan niya ako.
Tumawa siya ng malakas at pilit.
"Haha! Yaan mo pre! Mawawala din 'to!"
"I'm really sorry, Akira."
"Ingatan mo yung girlfriend mo ah! Ano ngang pangalan non?!" Nakangising tanong niya.
"Sabrina..."
"Sabrina? Pamilyar ang pangalan niya ha, pero pangalan palang mukhang magandang maganda talaga siya."
Ramdam ko ang ilang ngayon sa pagitan naming dalawa pero ayoko namang masayang ang nabuo naming pagkakaibigan dahil sa nararamdaman niya sa akin.
"Si-sige na, magpapahinga ka na. Gamutin mo yang mga sugat mo, panigurado ako masakit yan." Aniya, kung noon ay siya ang madalas gumamot ng mga sugat na natatamo ko sa pagbugbog ni Gary ngayon ay alam ko na gumagawa na siya ng pader sa pagitan naming dalawa.
Wala naman akong problema doon, pero sana ay hindi masayang ang pagkakaibigan namin.
--
Sabrina Briones
Kakauwi ko lang galing sa school at abala ako sa pagkain ng merienda na inihanda ni mommy.
"Dad?" Natigilan ako sa pagkain ko nang makita kong bumaba ng hagdan si Dad, maaga yata siya ngayong umuwi.
"Oh? Nandito ka na pala." Nakangiting sabi ni dad at umupo sa tapat ko.
"Manang penge naman hong tubig!" – Pakisuyo niya, maya maya lang ipinatong na ni Manang ang tubig sa lamesa, agad na ininum ni Dad yon.
"Maaga ka po ngayon Dad."
"High blood yata ako, kaninang umaga pa ako nahihilo." Mabilis akong napatayo at hinilot ang sintido ni Dad, napansin kong pumikit si Dad.
"Namiss ko yan anak, ganyang ganyan ka nung 8 years old ka pa lang." Napangiti ako.
"Uminom ka na ba ng gamot Daddy?" Tanong ko.
"Oo, pinainom na ako ng Mommy mo. Yang Mommy mo, may sakit na nga ako pinagalitan pa ako. Kumakain daw kasi ako ng bawal. Ang sabi ko naman h'wag siyang magluluto ng masarap para hindi ako kumain ng bawal." Natatawang sabi ni Dad, basta kasi si Mommy na ang nagluto ang lakas kumain niyan ni Daddy.
"Hinay hinay po kasi Dad." Sabi ko habang ipinagpapatuloy ang paghilot sa sintido ni Daddy.
"Okay na yan anak, maupo ka na." Bumalik na ako sa tapat ni Dad.
Napatingin ako sa buhok ni dad, may mangilan ngilan na puting buhok na iyon, napangiti ako, dahil hanggang ngayon sila parin ni mommy ang magkasama kahit na madalas kong marinig na nagbabangayan sila sa maliit na bagay lalo na pagdating sa aming magkakapatid, pero kahit ganyan na nagkakaedad sila mom hindi pa rin nawawala ang ka-sweetan nilang dalawa.
"Nagkita na ba kayong dalawa?" Biglang tanong ni dad na nagpatigil sa akin sa pagkain.
"Bata ka pa anak." Patuloy niya nang makumpirma sa katahimikan ko ang sagot.
"Dad..."
"Nakakahiya man sa mga Tita Maria mo. Ayoko na sana kayong paglapitin pa ni Michael." Napalunok ako sa sinabi ni dad.
"Nagkausap na kami ng mommy mo. Tatapusin mo lang ang sem na 'to at pupunta na kayong dalawa ni Shane sa mga Lola mo." Seryosong sabi ni dad, napatingin ako kay Dad! Sa New Jersey nakatira sila Lola at ang isipin ko palang ang paglayo namin ay nangangamba na ako
"Pero dad, ayoko po do'n."
"Makinig ka sa amin Sabrina, we just want what's best for you. H'wag ng matigas ang ulo Sabrina, sana kahit dito manlang matuto kang making. Bata ka pa at mas makakabuti kung dun ka na kasama ng Lola at kapatid mo. Dun na kayo mag aaral ni Shane hanggang sa makatapos na kayo. Yung bata, aalagaan natin siya kahit wala si Michael." Makatingin lang si Daddy sa mga mata ko, hindi ko alam pero pinipigilan kong umiyak. Hindi ko na makuhang sumagot dahil una palang hindi na ako nakinig kela Dad.
"Mario!" Nagbago ang mood ni dad nang marinig ang sigaw ni mom mula sa hagdan.
"Nandito na ang tagabantay." Natatawang bulong ni Dad, pinilit kong ngumiti kahit na ayoko ng plano nila Mommy.
"Pinagpapahinga kita sa taas! Naligo lang ako sandali paglabas ko sa CR wala ka na sa kama! Ang tigas tigas ng ulo mo!!" Sigaw ni Mommy, nginitian muna ako ni Daddy bago siya tumayo at lumapit kay Mommy, pinagmasdan ko silang dalawa, wala na bang pag asa na maging ganyan kami ni Michael?
"Ikaw naman." Paglalambing ni Daddy kay Mommy habang nakahawak sa bewang ni Mom.
"Ang tigas kasi ng ulo mo, Sabrina anak, pagpapahingahin ko na muna ang daddy mo." Yun lang at hinila na ni mom si dad paakyat.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...