Chapter 18
Michael Cando
Flashback
"Papasok na ako." Mabilis kong hinila ang kamay niya dahil hindi ako mapakali sa ekspresyon ng mukha niya.
"Ayokong maghiwalay tayo ng ganito." Halata sa mga kilos niya ang pagkabalisa matapos naming magawa ang bagay na alam ko dapat pinigilan ko. Pero handa akong panagutan siya ano't ano man ang mangyari, matinding panggugulpi siguro ang matatanggap ko sa mga magulang naming kung sakaling mabuntis ko siya. Alam ko naman ang maaaring kalabasan nito, pero gago ako eh. Mapusok ako pagdating sa kanya.
"Michael..." Ewan ko, pero sa tuwing tinatawag niya ang pangalan ko para bang nabubuo ang araw ko.
"I'm sorry." Simula ko.
"Sorry dapat hindi ko ginawa yon, dapat hindi kita—" Desperadong sabi ko pero agad niyang pinutol ang pagsasalita ko at para akong gagong natulala sa sinabi niya.
"Hindi mo kailangang mag sorry. Dahil ginusto ko din naman yo'n Michael. Ginusto natin." Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako, damn it, gustong gusto ko talaga yung ganda niya.
"Mahal kita, Michael at wala akong pinagsisisihan sa ginawa nating dalawa. Salamat, kasi dahil do'n naramdaman kong mahal mo talaga ako. Natatakot ako oo, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako masaya. Dahil sobrang saya ko, sobrang saya ko dahil alam kong sa akin ka." Para akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi niya kaya naman hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Sabrina, promise gagawin ko ang lahat para sayo." Pangako ko sa kanya.
"Papasok na ako ha?" Muling paalam niya.
"Sige na, magpahinga ka na. Tandaan mo mahal kita, Sabrina!" Pangako ko na siyang nagpangiti naman sa kanya.
Naglakad na ako at nasakto na dumaang may taxi, pinara ko kaagad yon. Nang makasakay ako ay tinawagan ko kaagad siya.
"Love," Bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"Nasaan ka na?" Tanong niya.
"Uuwi ako sa bahay ngayon, nasa taxi na ako."
"Buti naman, dahil nag aalala na din sayo ang mama mo." Isa sa pinaka nagustuhan ko sa kanya ay kung paano niya ituring ang pamilya ko, close friends ang pamilya namin at naging advantage ko 'yon sa mga gustong pumorma sa kanya noon.
"Magkita tayo mamaya?" Hindi na ako makapag hintay pa na makita siyang muli.
"Ha?"
"Pictorial natin mamaya, successful yung magazine natin last month." Paalala ko sa kanya dahil mukhang nakalimutan niya na schedule namin for pictorial today.
"Nakalimutan ko, dadaanan niyo nalang ako ni Manong Jake mamaya?"
"Oo, kaya matulog ka na. 10am nanjan na kami. I love you."
"Michael!" Ganyan palagi ang reaction niya sa tuwing nahihiya siya.
"Why? Sabi ko I love you." Mas nilambingan ko ang boses ko.
"I love you too." Napapikit ako nang marinig ko ang sagot niya, kumpleto na naman ang araw ko.
Pinatay ko na yung tawag bago pa ako mawala sa sarili.
"Dito ba hijo?" Tanong ng driver saka tinuro yung gate ng subdivision namin.
"Opo, tapos kumanan ho kayo."
Tumango naman yung driver. Pumikit ako sandali dahil nakaramdam ako bigla ng antok, masarap sanang matulog nalang kanina katabi si Sabrina kaso hindi pa pwede. Kung kailan naman malapit na sa bahay saka pa inantok. Pero nang imulat ko ang mata ko ay napakunot ang noo ko ng parang mapansin ko sa rear view mirror ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...