Chapter 17

80.9K 1.1K 34
                                    

Chapter 17

Sabrina Briones

"I'm sorry, Ate." Napakunot ang noo ko nang marinig kong umiiyak si Michelle sa kabilang linya.

"Bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Ate, natatakot ako, baka patayin nila si Kuya." Humahagulhol na sabi niya, napatayo ako dahil bigla akong kinabahan.

"Where are you? Magkita tayo, Michelle."

"Sabrina?" Napalingon ako nang tawagin ako ni Nathan.

"Saglit lang Michelle." Tumingin ako kay Nathan. "Nathan sorry, may pupuntahan ako. Kailangan ko ng umalis."

"Sandali may klase pa tayo!"

"First day palang naman diba?" Sabi ko saka nagmadali ako lumabas at pumara kaagad ng taxi.

Ang sabi ni Michelle sa akin ay nasa eskwelahan siya ngayon kaya naman doon ako dumiretso.

Pagdating ko sa dating school namin ni Michael, kaagad kong nakita si Michelle. Namamaga na ang mata niya kaiiyak, mabilis siyang yumakap sa akin.

"I'm sorry, Ate, kasalanan ko kung bakit ganun si Kuya, sorry." Inilayo ko siya ng kaunti sa akin at tinignan ko siya sa mata, hindi ko maiwasan na hindi kabahan dahil sa mga sinasabi niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Michelle at niyaya ko siyang maupo sa bench.

"Michelle, anong nangyari?"

"Kasalanan ko, Ate. siguro kung hindi ako tumakas nung gabing yon, maayos pa rin kayo ni Kuya hanggang ngayon."

"Hindi kita maintindihan, Michelle." Naguguluhan na sabi ko sa kanya.

"Ate, muntik na akong mapagsamantalahan." Bulong niya at nakita ko na naman na tumulo ang luha niya pero mabilis niyang pinahid iyon. Hinaplos ko ang likod niya bilang pag aalo.

"Pauwi na ako nung gabi na yon Ate, galing ako sa bar namin kasama ang mga kaibigan ko. Malakas ang loob kong maglakad sa subdivision namin dahil alas singko na yon ng umaga, pero bigla nalang may humila mula sa likod ko, nung una hindi ako natakot dahil namukaan ko siya. Siya yung lalaking nakilala naming ng mga kaibigan ko sa bar. Bigla akong natakot nang tutukan niya ako ng baril sa tagiliran ko at sinimulan hawakan ang iba't ibang parte ng katawan ko. Sinubukan kong sumigaw pero walang dumadating na tulong. Hanggang sa nakita kong nakasakay si Kuya sa isang taxi, ginamit ko ang lahat ng lakas ko para makatakbo, hinabol ko yung taxing sinasakyan ni Kuya, pero naabutan ako nung lalaking humila sa akin."

Kitang kita ko ang takot kay Michelle at nanginginig din ang kanyang kamay dahil sa trauma.

"Akala ko, akala ko Ate wala ng pag asa pero napatigil ulit ako nang makita kong bumaba si Kuya ng taxi at mabilis na tumakbo palapit sa akin! Ate! Dumating si Kuya! Niligtas niya ako, nailigtas niya ako. Pero napatay niya yung lalaking gustong magsamantala sa akin. Takot na takot ako Ate nakita ko kung paano niya napatay yung lalaki na yon."

Nanlaki ang mata ko sa lahat ng narinig ko.

"Ate! Hindi niya sinasadiya! Nakipag agawan sa baril si Kuya dahil nakatutok sa akin yung baril hanggang sa pumutok na yon at natamaan yung lalaking gustong rumape sa akin! Mabilis kaming tumakbo ni Kuya pasakay dun sa taxing sinasakyan niya. Sabi niya natanaw niya daw ako sa salamin ng taxi."

"Pero bakit hindi kayo nagsumbong sa pulis?" Naguguluhang tanong ko.

"Ate, sinubukan naming, pero naunahan na kami ng mga magulang ni Lyndon. Si Lyndon siya yung napatay ni Kuya. May mga naka-kapit sa kapulisan ang pamilya ni Lyndon, maimpluwensya sa pulitaka ang tatay nila at nang malaman nilang nagpunta kami ni Kuya sa prisinto para ireport ang nangyari. Isang galit na galit na lalaki ang humarap sa amin papatayin niya ako dahil ang gusto nilang mangyari buhay din ang kapalit sa pagkamatay ng anak nila! Pero hindi pumayag si Kuya! Hindi madaling kausap yung mga tauhan ng Daddy ni Lyndon, Ate, hanggang sa napagkasunduan na gagamitin nila si Kuya para magtulak ng mga drugs."

"A-ano?!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot at napatayo ako.

"Gagawan natin ng paraan Michelle!! Gagawa tayo ng paraan para maligtas natin ang Kuya mo!"

"Hindi ganun kadali Ate! Papatayin nila ang buong pamilya namin kapag nalaman nilang kumilos kami ng mali ni Kuya Michael! Ate, madaming tauhan ang pamilya nila Lyndon!! Gabi gabi may nagmamasid sa bahay namin...at sayo." Napatingin ako sa kanya nang humina ang boses niya, nanginginig ang kamay niya at sunod sunod na tumulo ang luha niya. Parang may tinitignan siya sa malayo at nang tignan ko kung saan siya nakatingin may dalawang matatangkad na lalaki ang nakabantay kay Michelle at namukaan ko ang isang lalaki, nakita ko na yon sa bar.

"Ate, kabilin bilinan ni Kuya na huwag na kitang idadamay dito. Gusto niyang maging maayos ang buhay mo kasama ang magiging anak niyo. Pero, ate, kailangan mong malaman ang totoo." Puno ng pangamba ang boses ni Michelle.

"Na-nasaan ang Kuya mo?" Tanong ko perp umiling lang siya.

"Hin-hindi ko alam Ate, pero tinatawagan niya ako, iba ibang number ang ginagamit niya dahil pati cellphone pinagbawalan siyang gumamit. Si Mama nag aalala siya kay Kuya, pero hindi ko masabi sabi kung ano ba talagang nangyayari sa kanya." Natigilan kami nang mag ring ang cellphone niya, kaagad niyang sinagot yon ng makitang number lang ang tumatawag.

"Kuya!"

"Kuya, sorry, pero sinabi ko na kay Ate. Pero!!!—" Inagaw ko ang cellphone ni Michelle.

"Michael!" Sigaw ko sa kabilang linya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong niya.

"Michael! Gagawa tayo ng paraan!!"

"Tayo? Hindi pa ba malinaw sayo na wala ng tayo?" Kumirot ang puso ko, kahit na alam kong ginagawa niya lang yon para maprotektahan ako at ang pamilya niya, nasasaktan pa rin ako kapag pinagsasalitaan niya ako ng ganon.

"Michael!! Alam kong ginagawa mo lang 'to dahil natatakot ka!!!" Sigaw ko.

"Wala kang alam. Lubayan mo na ang kapatid ko. Hindi ka namin kailangan." Pagmamatigas niya.

"Michael ano ba?!!" Sigaw ko, dahil sobrang lamig ng boses niya.

"Huwag ka nang makigulo." Yun lang at nag busy na sa kabilang linya.

"Malalagot ako nito." Bulong ni Michelle.

"Nagkikita ba kayo ni Michael?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

Tumingin ako sa paligid ng school naming, nakatingin sa amin ang dalawang nagbabantay kay Michelle at kinilabutan ako nang ngitian ako ng isa sa kanila.

"Ate umuwi ka na." Bulong ni Michelle.

"Hindi Michelle, tatakas tayo." Pagmamatigas ko, napatingin siya sa akin.

"Ate! Hindi pwede! Delikado! Hawak nila si Kuya!! At isang tawag lang nila papatayin nila sila Mama!" Sigaw ni Michelle.

Nakaramdam ako ng takot, pero hindi ako papayag na walang gagawin!

Nagring na naman ang cellphone ni Michelle at nanginginig ang kamay niya ng tignan niya ang cellphone niya. Tinignan ko ang dalawang nagmamasid kay Michelle, at ang isa sa kanila ang may hawak ng cellphone. Question Mark lang ang pangalan ng tumatawag kay Michelle, hinila ko sa kanya yon at sinagot, at hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa sinabi ng tumatawag, hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaking may hawak ng cellphone habang pinapakinggan ko ang sinasabi nito.

"Hoy bata. H'wag kang gagawa ng hindi namin magugustuhan, kung gusto mo pang makita ng buhay si Michael at ang pamilya niya."

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon