Chapter 6
Sabrina Briones
Lumunok ako ng matindi at pilit kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Michael sa akin.
"Ah, wala po! Muntik kasi akong mahulog sa hagdan, ti-tinulungan ako ni Michael makababa!" Naramdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Michael.
"Sigurado ka ba ha Sabrina?" Ma-awtoridad na boses ni Dad.
"O..opo Dad!"
Lumapit sa akin si mommy.
"Kumain na kayo."
"Aalis na po ako." Malamig na sabi ni Michael.
"Pero hindi ka pa kumakain." Pigil ni Mom.
"Hindi po ako nagugutom, sige ho."
"MICHAEL ANAK!!" Sigaw ni Tita Maria, narinig ko ang malakas na kalampag ng gate namin. Gusto ko siyang habulin pero ayokong mag isip ng masama sila Dad. Tinignan ako ni Shane at kita ko ang pagbabanta niya sa akin kung sakaling habulin ko si Michael.
__
Dahil na rin siguro sa nangyari kaya nawalan na rin ako ng gana kumain, hindi ko naman kayang sabihin kela Mom kung anong meron sa amin ni Michael. Umupo nalang ako dito sa garden at hinihintay kong tawagan niya ako, pero kahit isang tawag o text wala akong natanggap mula sa kanya.
"Sabrina." Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Tita Maria umupo siya sa tabi ko at doon nagsimulang gumapang na naman ang kaba sa dibdib ko.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo ni Michael. Pero sana h'wag kayong magpapadala sa emosyon niyo." Simula ni Tita Maria, kinabahan ako sa pananalita ni Tita kahit na sobrang malumanay ang boses niya.
Dahan dahan niyang hinawi ang buhok ko, napaatras ako, hindi ngumingiti si Tita Maria pero ramdam ko ang pag aalala niya.
"Bata pa kayo ni Michael."
"Ba-bakit hindi niyo po ako sinumbong kela Mom?" Nauutal na tanong ko.
"May dahilan ako Sabrina..." Nakangiting sabi ni Tita Maria, pero naguguluhan ako sa gusto niyang iparating sa akin.
"Baby?" Napalingon ako ng tawagin ni Tito Akie si Tita.
Lumapit siya sa amin.
"Baby gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Tito Akie.
"Sige, mukhang inaantok na rin naman si Michelle. Pero si Michael ba tumawag na sayo?"
"Tss, yang bata na yan. Mag uusap pa kami mamaya niyan, hindi na siya nahiya kay Samantha." Galit na sabi ni Tito Akie.
"Ano ka ba naman, mag aaway na naman ba kayong mag ama?"
"Yang anak mong yan lumalaking matigas ang ulo." Giit ni Tito Akie.
"May pagmamanahan naman." Rinig ko ang pang aasar ni Tita Maria kay Tito Akie na siyang tinawanan nilang mag asawa.
__
Hating gabi na, hindi ako makatulog dahil nag aalala ako kay Michael, tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Nabigla ako nang mag ring ang cellphone ko.
Si Nathan ang tumatawag.
"Nathan..."
Oh, malungkot ka?" Aalam na alam ni Nathan kapag malungkot ako kahit sa boses palang, kaya walang duda na best friend ko talaga siya.
"Si Michael." Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo, bumaba ka."
Pinatay na niya ang tawag, dahan dahan akong bumaba at lumabas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...