Chapter 36

80.7K 1.1K 60
                                    

Chapter 36

Michael Cando

"Are you ready?" Tinignan ko si Akira at napangiti ako. "I'm nervous." Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko.

I was scared, leaving her was hard. Pero alam kong makakabuti para sa aming dalawa.

"Don't be. I'm sure your son is waiting for you. Sinabi ko sa kanya na susunduin kita." Sambit ni Akira na nagpangiti sa akin.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa ni Nathan, dahil bago ako tumulak ng Paris ay ibinilin kong huwag na huwag nilang iiwanan si Sabrina kahit ano man ang mangyari, alam kong silang dalawa lang ang maaari kong pagkatiwalaan bukod sa pamilya naming dalawa.

Sandali kong inilibot ang paningin sa airport ng Paris. It had been four long years. I always hoped and prayed that this day would come.

"Upo na dude!" Tinapik ni Akira ang katabi niyang upuan nang makasampa na kami sa eroplano. Ayoko na sanang magpasundo sa kanya, pero nagpumilit sila mama na ipasundo na ako kay Akira para wala na daw akong kawala sa pag uwi ko.

"Hindi na tayo mag-stop over. Diretso na 'to para hindi ka na kabahan!" Pang aasar niya.

Our family thought that moving to Paris would be the fresh start I needed, hindi na ako umalma pa dahil alam kong wala rin namang patutunguhan kung muli na naman akong susuway. I started studying in Paris habang ipinagpapatuloy ko ang modelling job na passion naming dalawa ni Sabrina.

Leaving wasn't easy. The past keeps hunting me from my dreams, hindi ako basta makatulog, nagdesisyon si mama na ipacheck up ako bago ako pumunta ng Paris and I was diagnosed with depression and PTSD. Sa Paris ko na rin itinuloy ang treatment ko hanggang sa malagpasan ko ang lahat, apat na taon ang ginugol ko upang ayusin ang sarili ko. Pinilit ko, kahit sobrang lungkot na lungkot na ako at sobra na ang pagkasabik ko na makasama ang mag ina ko, dahil gusto ko kapag bumalik ako sa kanila maayos na ako.

But there is always a time where smoking had been my escape, it offered me a temporary relief sa lahat ng gumugulo sa isipan ko. Pero ginawa lahat ng Doctor ko upang mag quit ako sa smoking, and now I am smoke-free.

~~Welcome aboard on this aircraft our destination today is to Philippines. I hope you—

Nawala ang focus ko sa pakikinig sa piloto ng eroplano nang kuhitin ako ni Akira at may iniabot siya sa aking picture. Para akong nabunutan ng tinik nang makilala ko kung sino 'yon.

Sabrina.

"Pinabibigay ni Kyle yan, bago ako umalis nanakbo siya sa kwarto niya at iniabot sa akin yan. Masyado siyang excited para sa pagkikita niyo." Nakangiting sabi ni Akira, napangiti ako dahil do'n. Sobrang gusto ko ng yakapin si Kyle, sa video call ko lang kasi siya nakakausap at kung minsan naman ay isang beses sa isang buwan lang. Pinakamatagal na ang tatlong beses sa isang buwan, pero naging kuntento na ako sa gano'ng set up dahil ang importante sa akin ay nakilala niya ako. Mabuti nalang at nandiyan si Nathan at Akira upang sendan ako ng maraming pictures at videos ni Kyle sa WhatsApp.

"Ang ganda noh?" Pang aasar ni Akira nang mapansin niyang hindi naalis ang tingin ko sa picture na iniabot niya.

Ngumiti ako. "Hindi naman siya nagbago."

Niyakap ko ang picture na 'yon saka sumandal na at ipinikit ang aking mata. Muli kong naalala ang pag uusap namin ng mga magulang namin.

Flashback

"Tama lang. Ikaw ang dapat umalis, hindi kami ni Ate Sabrina."

Hindi na ako umimik sa sinabi ni Shane, this is all my fault. Lahat ng naging desisyon ko sa buhay ay mali.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon