Chapter 3
Sabrina Briones
Lunes ng umaga. Naglalakad ako ngayon sa university kahit na ang bigat ng pakiramdam ko. Masama pa rin ang loob ko dahil hindi natuloy ang sinasabi ni Michael na coffee date sana naming dalawa, hindi ko alam kung anong rason. Basta humingi lang siya ng sorry at nangakong babawi siya sa akin.
"Sabrina!" Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Nathan ang best friend at kaklase ko, hindi nga lang alam ni dad 'yon dahil panigurado akong palalayuin niya sa akin ito.
"Oh, Nathan."
"Namiss kita!" Nakangiting sabi niya na nagpailing sa akin.
"Dalawang araw lang tayong hindi nagkita, namiss mo kaagad ako?" Natatawang sambit ko. Wala akong malapit na kaibigan na babae dahil karamihan ng estudyante dito sa university ay inis sa akin dahil palaging nakabuntot sa akin si Michael na crush na crush nila. Madalas kong marinig na nasa akin na nga daw si Nathan pati ba naman si Michael.
"Hey, love!" Nabigla ako nang biglang may umakbay sa akin, umirap ako sa kawalan at marahas kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin nang makumpirma kong si Michael iyon.
"Let's go, Nathan. Ayokong makipag usap sa walang isang salita." Pero mabilis akong nahila ni Michael sa kamay ko.
"Pare, pasensya ka na pero kailangan ko lang kausapin itong girlfriend ko. Malaki ang tampo sa akin nito." Nanlaki ang mata ko sa nadinig ko at sigurado akong maraming gustong itanong si Nathan sa akin ngayon.
Nagpatianod na lamang ako kay Michael patungo sa gym ng university.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko saka hinila ko ang kamay ko, humarap siya sa akin.
"Look, I'm sorry! Hindi ko naman gusto na hindi matuloy yung lakad natin, may emergency lang kay Michelle." Paliwanag niya, si Michelle ang nakababata niyang kapatid na kasing edad ni Shane.
Bigla naman akong nakaramdam ng pag aalala. "Kumusta si Michelle?"
"Let's not talk about Michelle, pag usapan natin kung kailan natin ire-reschedule yung lakad natin." Aniya, umiling ako at saka naglakad na ako palayo sa kanya pero kaagad naman siyang sumunod sa akin.
Pinili ko nalang na mag focus sa klase dahil kung aabalahin ko ang isip ko kay Michael ay baka wala akong maintindihan. Good thing dahil hindi kami magkaklase, kaya naman hindi ko siya makikita dito sa classroom. Ilang sandali pa ay nag break time na kami kaya naman nagdesisyon na akong mag washroom.
"Grabe, ang landi talaga ng babaeng 'yon. Narinig daw kanina ni Chloe na sinabi ni Michael kay Nathan na girlfriend niya si Sabrina. Ano bang nagugustuhan nila sa babaeng 'yon eh ang chismis nga hindi na virgin 'yon!" Napakunot ako sa narinig kong nag uusap habang nakaupo ako sa loob ng cubicle ng washroom.
"Truth! Balita ko nga model siya at lahat ng makapartner niya sa modelling kinakama siya." Parang nag init ang ulo ko sa mga naririnig ko.
Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili bago nag flush at padabog na binuksan ang pinto na nagpasinghap sa apat na babae na sa tingin ko ay baliw kay Michael at Nathan.
Nag hugas ako ng kamay at tinignan ko sila ng masama sa salamin.
"Are you talking about me?" Pagtataray ko.
Umirap ang isa sa kanila at pinagtaasan ako ng kilay. "Ano naman kung ikaw? Totoo naman ang lahat ng sinasabi namin dahil kalat na kalat sa buong university kung gaano ka kalandi." Naningkit ang mata ko, nababaliw na ba sila? Pinag chichismisan nila ang buhay ko kahit na ni tuldok ay wala silang alam. Ito ang dahilan kung bakit hirap akong magkaroon ng babaeng kaibigan dahil hindi ko alam kung sino ba ang magiging totoo sa akin.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...