Chapter 15

73.3K 978 45
                                    

Chapter 15

Sabrina Briones

Tinignan ko siya ng matagal sa mata.

"Uuwi na ako." Sabi ko saka tumayo at naglakad, pero bigla niyang hinila ang braso ko.

"Sabrina! Seryoso ako! Pananagutan kita!" Sigaw niya, nagtinginan ang mga tao dito sa cafeteria pero hindi ko na sila pinansin pa.

Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya!

"Hindi ko kailangan ng awa mo." Pagmamatigas ko at naglakad na ulit pero natigilan ako nang sumigaw siya.

"Mahal kita! Sabrina, I love you at hindi ko kayang makitang nahihirapan ka."

Nilingon ko siya at nagtama ang mata naming dalawa. Isang sarkastikong ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Sinasabi mo lang yan dahil bestfriend mo ako. Mahal? Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa mga salitang yan?" Alam kong katangahan kung sasabihin kong hindi na ako naniniwala sa salitang pagmamahal dahil ang totoo niyan gustong gusto kong marinig yon sa iisang tao lang.

"Hindi lang dahil bestfriend kita Sabrina. Dahil mahalaga ka sa akin at ayokong panoorin ka na nasasaktan."

"Mahal ko si Michael." Bulong ko, kahit nasasaktan ako sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Michael, alam ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko. Wala akong pakialam kahit ayaw na niya sa akin, dahil kahit ipagtabuyan niya ako mamahalin ko pa rin siya.

"Pero iniwan ka niya." Nakita kong kumunot ang noo niya at punong puno ng lungkot ang mata niya.

"Hihintayin ko siya, Nathan, hindi ako magsasawang maghintay kahit sobrang sakit na.."

"Ako rin Sabrina. Hihintayin kita." Hindi ko na siya sinagot pa.

Tinalikuran ko na siya at lumabas na ako ng university.

"Okay ka lang?" Walang emosyon na tanong ni Shane.

Tumango ako bilang sagot, pumara na siya ng taxi at tahimik kaming nakarating sa bahay. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko dahil nakakaramdam ako ng hilo at parang nahihirapan akong huminga dahil sa dinaramdam ko.

"Anak?"

Napaupo ako sa kama ko nang pumasok si Mom.

"Masama ang pakiramdam mo?"

"Nahihilo lang po ako, siguro kailangan ko lang po matulog."

"Ganyan talaga anak, pero pagtagal tagal mawawala din yan. Oh, sige na magpahinga ka na." Nakangiting sabi ni Mom saka lumabas ng kwarto ko, humiga na ulit ako at sa hindi ko malamang dahilan biglang tumulo ang luha ko, pakiramdam ko kasi wala akong silbi dito sa bahay. Parang lahat nalang sila nag aalala kung okay lang ba ako, kung may masakit ba sa akin. Ang laki laki ng kasalanan ko sa kanila pero hindi nila ako nagawang iwanan, pero bakit yung taong kasama ko sa pag gawa nitong batang 'to parang ang dali dali lang para sa kanya na iwanan ako.

__

Nagising ako nang maramdaman kong may nakayakap mula sa likuran ko at medyo napaurong ako dahil amoy alak ang nakayakap sa akin. Tinignan ko ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko, at kinabahan ako nang makilala ko ang kamay na yon. Haharap sana ako sa kanya pero pilit niya akong tinalikod sa kanya at mas hinigpitan niya ang ang yakap sa akin, naramdaman ko ang paghinga niya sa batok ko.

He was spooning me, and his hand is playing my nip through my shirt, while he gives me hot and wet kisses on my neck.

"Michael..." Tawag ko sa kanya, huminto siya sa paghalik sa leeg ko at mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. Gusto ko siyang lingunin pero hindi niya ako hinayaan na makagalaw sa mga yakap niya.

"I'm sorry, Sabrina." Mabigat na bulong niya.

"Michael, alam ko may dahilan ka kung bakit ka nagkakaganyan. Hayaan mo akong tulungan ka." Umiiyak na bulong ko, pinagsalikop niya ang kamay namin at para bang naramdaman ko ang paghikbi niya ngunit mabilis niyang pinigilan iyon.

"Ano ba kasing problema, Michael? Michael, pinanghahawakan ko pa rin ang pangako mo na hinding hindi mo ako iiwanan." Ginamit ko ang buong lakas ko upang makaharap sa kanya, mabilis niyang ipinikit ang kanyang mata na sa tingin ko ay paraan niya upang iwasan ang mga titig ko. Marahan kong pinunasan ang tumulong luha sa mata niya.

"Pinanghahawakan ko pa rin yung mga pangako mo sa akin, Michael." Paulit ulit na sambit ko kasabay ng luha sa mga mata ko. Marahan niyang iminulat ang kanyang mata at para bang pagod na pagod na siya.

"Those promises were beautiful, Michael. Dun ako humuhugot ng lakas ngayon." Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit ako nang halikan niya sandali ang labi ko.

"I'm sorry, Sabrina. I can't do that for you, not anymore." Nabasag ang boses niya at para bang hirap na hirap siyang lunukin ang bawat sinasabi niya.

"B-bakit? Ipaintindi mo sa akin kung bakit. Michael, naman. Magkakaanak na tayo, tayong dalawa ang gumawa nito, kaya dapat lang na dalawa din tayong panindigan ito." Nanghihinang pakiusap ko sa kanya.

He nodded, "I know, but leaving you is the only choice I have even if it hurts like hell." Napapitlag ako nang haplosin niya ang tiyan ko. "I'm really sorry, baby." Umiiyak na bulong niya.

Napaupo ako nang bigla siyang tumayo, hinila ko ang kamay niya at tumayo din ako upang pigilan siya.

"Michael, please?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ng marahan ang labi ko na kaagad kong tinugon, sandaling halik lang 'yon pero sobrang lalim.

Hinaplos haplos niya ang buhok ko at muling hinalikan ang noo ko. "You'll be okay without me, love." Aniya at binuksan na ang bintana kung saan sa tingin ko ay dumaan siya, hinuli ko ang kamay niya at pinilit kong magtago ang mata namin.

"Babalik ka diba? Babalikan mo ako?" Umiiyak na bulong ko.

Tinignan niya lang ako sa mata at wala pa rin akong makuhang kasagutan sa kanya, bumitaw na siya sa akin at nagsimula na namang manikip ang dibdib ko.

"Hihintayin pa rin kita, Michael."

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon