Chapter 8
Sabrina Briones
Ginawa kong unan ang dibdib niya, nakabalot ang katawan namin ng puting kumot at marahan naman niyang nilalaro ang buhok ko, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa ibabang parte ko.
"Michael, natatakot ako." Bulong ko, bigla akong nakaramdam ng takot, unang una kela mom pero hindi ko manlang sila naisip kanina.
"Hindi kita pababayaan, Sabrina." Paninigurado niya.
Kanina pa kami sa ganitong pwesto, tumigil na rin ang ulan pero wala paring kuryente. Maliit nalang yung kandila.
"Uuwi na ako, Michael." Ani ko saka umupo ako at inayos ang buhok ko.
"Madilim pa, Sabrina."
"Hindi ako nagpaalam kela Mommy, mabuti na siguro yung tulog pa sila." Sabi ko at naglakad ako papunta sa CR.
Bawat hakbang ko nararamdaman ko yung sakit, at may kaunting dugo akong nakita doon. Nilinis ko ang sarili ko at sinuot ko ulit yung damit ko na sinabit ko sa likod ng pinto, medyo basa pa ito.
Pagkalabas ko ng CR nakabihis na rin si Michael, hinila niya ang kamay ko at iniupo niya ako sa hita niya.
"Galit ka ba sa akin?" Tanong niya, rinig ko sa tono ng pananalita niya ang pag aalala.
Hindi naman ako galit kay Michael eh, pero bakit kung kailan nagawa na namin ang hindi dapat saka ako nag isip na mali pala ito. Pero, mahal ko talaga si Michael at masaya ako na sa kanya ko ibigay ang pinakaiingatan ko.
"Hindi ako galit sayo, Michael. Natatakot lang talaga ako, paano nalang kung magbunga ang ginawa natin?" Pag aalala ko.
Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinalikan ang pisngi ko.
"Pananagutan kita." Kampanteng sagot niya.
"Pero—"
"Mahal kita, Sabrina, mahal na mahal at hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo. Tandaan mo nandito lang ako palagi." Bulong niya.
Iniharap niya ako sa kanya at marahan niyang hinalikan ang labi ko. Dahan dahan lang yo'n pero ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.
"Ihahatid na kita." Sabi niya.
Tumango ako bilang sagot.
__
Pinatigil ko yung taxi bago lumiko sa street namin. Naglakad kami ni Michael. Madilim sa bahay at mukhang tulog pa rin sila mom.
"Papasok na ako." Sabi ko saka tumalikod na sa kanya, pero hinila niya ang kamay ko.
"Ayokong maghiwalay tayo ng ganito." Sabi niya, tinignan ko ang mata niya at parang naguguluhan siya dahil sa ikinikilos ko.
"Michael..."
"I'm sorry." Bulong niya.
"Sorry dapat hindi ko ginawa yo'n, dapat hindi kita—" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong sumagot.
"Hindi mo kailangang mag sorry. Dahil ginusto ko din naman yo'n Michael. Ginusto natin." Lumapit ako sa kanya para mas lalo kong makita ang mukha niya.
"Mahal kita, Michael at wala akong pinagsisisihan sa ginawa nating dalawa. Salamat, kasi dahil do'n naramdaman kong mahal mo talaga ako. Natatakot ako oo, pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako masaya. Dahil sobrang saya ko, sobrang saya ko dahil alam kong sa akin ka." Parang nagliwanag ang mukha ni Michael, hinila niya ako at niyakap.
"Sabrina, promise gagawin ko ang lahat para sayo." Bulong niya.
Napangiti ako dahil do'n, humiwalay na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Young Minds
Fiction généraleSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...