FINALE

100K 1.4K 92
                                    

FINALE

Sabrina Briones

"Pwede ko bang maistorbo ang Prinsesa ko?" Napalingon ako nang makita ko sa salamin si Dad at si Mom sa may pinto ng kwarto dito sa hotel. Ngumiti ako, lumapit sila sa akin at pinagmasdan nila akong mabuti, si Mommy umiiyak buti nalang at waterproof ang make up niya.

"Mom, h'wag ka na umiyak." Sabi ko, pati tuloy ako umiiyak na.

"Masaya lang ako anak, ikakasal na kasi ang panganay ko." Bulong ni Mom saka niyakap ako, hindi ko na din napigilan naiyak na rin ako.

Humiwalay sa akin si Mom, si Dad naman kahit hindi niya ipakita na naiiyak siya, yung mata naman niya medyo mamasamasa.

"You're so beautiful my princess. I remember your mom nung kinasal kami, ganito din siya kaganda sa paningin ko. Sobra sobrang ganda." Sabi ni dad at napansin kong pinunasan niya ang gilid ng mata niya sa loob ng eyeglass niya, malabo na rin kasi ang mata ni dad kaya nagsasalamin na siya.

"Anong ibig mong sabihin?! Ang panget ko na?!" Hiyaw ni Mom, dahilan para matawa kami ni dad. Hinapit ni dad si mom sa bewang.

"No, ano ka ba naman Samantha, kahit gaano karami pa yang puting buhok mo ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin." Pambobola ni dad kay mom, natatawa ako sa kanilang dalawa, medyo may puti na rin kasi ang buhok nilang dalawa. Pero mukha pa rin naman silang mga bata eh.

"Ewan ko sayo Mario." Sabi ni mom sa kanya, tumawa lang si Dad.

Humarap saakin si Mom.

"Basta tandaan mo anak, kahit kasal ka na nandito pa rin kami ng daddy mo. Kapag may problema ka hindi kami mapapagod makinig sayo. Yang pag aasawa hindi yan basta basta matatakasan anak, kaya sana maging matatag kayong dalawa ni Michael, okay?" Payo ni mom.

"Yes Mom, thank you po." Niyakap ko silang dalawa.

"I love you dad, mom."

"I love you too anak." Naramdaman ko ang magkasabay na paghalik nila sa ulo ko.

"Naku ang buhok mo, baka magulo." Pag aalala ni mom.

Biglang pumasok si Shane at Shara. Nakatuxedo na si Shane at sobrang gwapo niya, si Shara naman ang ganda niya sa gown na baby blue. Baby blue kasi ang theme ng kasal namin ni Michael.

"Hoy! Ikakasal ka na. H'wag ka ng isip bata." Ang ganda ng bati sa akin ni Shane, pero nakakatuwa kasi kahit ganyan siya alam kong mahal niya ako.

"Oo na." Natatawang sabi ko, 3rd year college na si Shanne.

"Ate ang ganda mo." Manghang sabi ni Shara.

Lumapit ako sa kanila, niyakap ko silang dalawa.

"Ate, kapag sinaktan ka niya ulit sabihin mo lang sa akin." Seryosong bulong niya, napangiti na naman ako.

__

Michael Cando

"Daddy! Magkamukha talaga tayo!" Sabi ni Kyle habang nilalagyan ng wax ang buhok niya, napapangiti nalang ako sa anak ko dahil kung umasta siya kala mo binata na.

Pareho kami ngayong nakaharap sa salamin, nakatuxedo na kaming pareho. Buhok nalang ang inaayos ni Kyle, ako naman itong necktie ko, kanina ko pa 'to paulit ulit na inaayos pero hindi ko maayos, kinakabahan kasi ako eh.

Parang mas triple pa yung kaba ko ngayon kesa nung araw na hinarap ko si Tito Mario para humingi ako ng sorry, huminga ako ng malalim.

Damn, ganito ba talaga kapag ikakasal? Hindi ako mapakali, paano nalang kung magbago yung isip niya?

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon