Chapter 24
Sabrina Briones
Nang humupa na ang pag iyak ni Michael ay nagpasiya na siyang ihatid ako sa bahay, pero ang tagal naming nakatayo sa tapat ng bahay namin dahil sa pagtititigan namin na para bang ayaw na naming mahiwalay sa isa't isa.
"Matagal na ulit kitang makikita, tama ba?" Malungkot na sabi ko. Medyo hulas na rin siya mula sa kalasingan pero mukhang inaantok na rin siya.
Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at bumulong doon. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Okay ba sayo yun, love?" Malambing na tanong niya.
Hindi naalis ang ngiti sa labi ko at tumango ako na parang isang bata!
"Pumasok ka na, love."
Ngumiti ako saka akmang tatakbo papasok na sa bahay pero bigla niyang hinila ang kamay ko at hinapit niya ako sa bewang.
"Bawal tumakbo. Ang baby natin."Hinimas niya ang tiyan ko.
"Yes, love."
"Dahan dahan pag akyat ng hagdan, h'wag excited." He smirked.
Tumango ako, binitawan na niya ako saka maingat akong naglakad papasok sa bahay. Lumingon ulit ako sa likod ko at napangiti ako nang makita kong wala na siya.
"Dahan dahan paglalakad Sabrina." Bulong ko sa sarili ko.
Nang nasa may hagdan na ako ay halos mahimatay ako sa gulat nang biglang may nagsalita!
"Gabi na."
"Shane! H'wag mo nga akong ginugulat!" Hiyaw ko sakanya, napapansin ko na palagi siyang nagtatago sa dilim! Sobrang dilim kasi dito sa bahay dahil pinapatay lahat ni Manang lahat ng ilaw kapag matutulog na, yung ilaw lang sa labas ng poste ang umaaninag dito sa loob.
"Ang tagal niyo naman ni Nathan, sa park lang ang paalam niya kay dad ah. Manahimik ka nga dito sa bahay." Pagsusungit niya, nginitian ko nalang siya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat, mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Opo Kuya!" Nakangiting sagot ko.
"Matulog ka na may pasok ka pa bukas."
"Sus, parang ikaw wala. Sige na!" Sabi ko at naglakad na paakyat, huminga muna ako ng malalim bago ko pihitin ang doorknob ng kwarto ko
Naalala ko bigla ang ibinulong sa akin ni Michael.
"Tabi tayo matulog."
Napangiti na naman ako, marahan kong binuksan ang pinto at napatawa ako nang makita kong nakadapa siya sa kama at mukhang antok na antok na, mabilis kong inilock ang pinto.
"Tagal mo naman, love." Bulong niya medyo husky ang boses niya.
"Naharang kasi ako ni Shane." Sabi ko, sumilip ako sa bintana andun na naman yung hagdanan niya.
Tumayo siya at yumakap siya mula sa likod ko.
"Anong tinitignan mo diyan?" Bulong niya sa tenga ko.
"Yung hagdanan mo." Natatawang sabi ko.
"Tulay nating dalawa yan." Aniya.
Napangiti ako dahil doon. Iniharap niya ako sa kanya at napapikit ako ng halikan niya ang labi ko, sobrang init ng labi niya, sunod sunod na pagkabog ng dibdib ko ang narinig ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin, maingat niyang ipinulupot sa bewang ko ang dalawang braso niya at ipinulupot ko naman ang braso ko sa leeg niya. Sobrang namiss ko siyang halikan.
Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa likod ko patungo sa buhok ko at malambing niyang hinaplos iyon.
"I love you..." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...