Chapter 23

76.3K 1K 63
                                    

Chapter 23

Sabrina Briones

"Pag isipan mong mabuti, Sabrina." Sambit ni Nathan, nandito kami ngayon sa park ng subdivision namin. Ipinagpaalam niya ako kay dad na maglalakad lakad muna kami. Dumalaw siya sa bahay dahil dalawang araw din akong hindi nakapasok, dinadalhan niya lang ako ng mga notes para makabahabol ako sa lesson.

Hindi ko pa maikwento kay Nathan ang lahat, sa pagkakataong ito hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko sa mga nangyayari kay Michael dahil alam kongi sang maling galaw lang ay malalagay sa panganib ang buhay niya.

Pilit akong kinakausap ni Nathan at ino-offer niya pa rin ang magpaka-ama sa dinadala ko. Ayaw daw niyang nakikita na na-i-stress ako kaya kung gusto ko daw ng katuwang ay willing siya.

"Nathan, sapat na sa akin na nandiyan ka bilang kaibigan ko."

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Hindi ka pa rin sumusuko sa kanya?"

Nilingon ko siya. "Hindi ko kaya, Nathan. Hihintayin ko pa rin siya." Sandali niya akong tinitigan sa mata, isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa akin at saka tumango.

"Fine."

"I'm sorry, Nathan."

"Basta, I'm always here." Paninigurado niya.

"Thank you."

"Let's go?" Aniya saka inalalayan niya akong makatayo mula sa swing.

"Huwag mo na akong ihatid." Sabi ko sa kanya, dala kasi niya ang kotse niya.

"Why?"

"Gusto ko sanang maglakad lakad muna."

"Pero—"

"Nathan, safe naman dito sa subdivision namin. May mga guard na nag iikot."

Sandali siyang luminga linga, "Alright, basta i-text mo ako kapag nakauwi ka na." Tinanguan ko naman siya, humalik siya sa pisngi ko at saka sumakay na sa kotse. Nang makaalis na siya ay nagsimula na akong maglakad.

Maraming tumatakbo sa isip ko. Paano kung nung gabing may nangyari sa amin ni Michael pinili ko munang hindi umuwi? Ganito kaya ang sitwasyon namin ngayon? Sa pag uusap namin ni Michelle ay natuklasan ko ang eksaktong araw kung kailan napatay ni Michael ang anak ni Gary, at yun ay kinabukasan pagkatapos ang unang gabing may nangyari sa amin ni Michael.

Sinipa ko ang maliit na bato na nakaharang sa nilalakaran ko pero nagulat ako nang bumalik iyon sa akin! Tumingala ako at napakunot ang noo ko nang sa hindi kalayuan ay may nakatayong lalaki, tinitigan ko itong mabuti at bumilis ang pintig nang puso ko nang may dumaan na kotse at nasinagan siya ng ilaw nito.

"Michael?"

Nanatili siyang nakatayo habang nakapamulsa. Nagmadali akong maglakad palapit sa kanya at tama nga ako! Mabilis ko siyang niyakap!

"Kumusta ka na?! O-okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya, tiningala ko siya at nagtagpo ang mata naming dalawa. Kaagad kong naamoy ang alak mula sa paghinga niya.

"I miss you." Mahinang sambit niya at napapikit ako nang yakapin niya ako ng sobrang higpit.

Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming magkayakap sa lugar na 'yon, basta ang masasabi ko, sobrang saya ng puso ko dahil sa maraming araw na lumipas ay nayakap ko ulit siya!

Magkahawak kamay na kaming naglalakad ngayon at halata ko sa kanya na medyo lasing siya.

"Marami ka yatang nainom?" Usisa ko sa kanya.

Medyo malapit na kami sa bahay at mukhang napansin niya iyon dahil huminto siya sa paglalakad at hinila niya ako patungo dun sa isang waiting shed. Naupo kami do'n, humilig siya sa balikat ko at pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa.

"Alak nalang ang nagpapatulog sa akin. Nababaliw na ako kakaisip sayo." Marahan niyang pinisil ang kamay ko.

"Nakita ko kayo ni Nathan kanina."

"Ano?" Nakaramdam ako ng pangamba dahil ayokong mag isip siya ng kung ano tungkol sa amin ni Nathan.

"Lalapitan ko sana kayo pero nagbago ang isip ko nang makita ko kung paano ka niya alagaan."

"Michael—"

"Alam ko wala akong karapatan na magselos Sabrina dahil ako naman ang nagdesisyon na kalimutan mo nalang ako, dahil hindi ko alam kung hanggang saan nalang ba ang buhay ko sa mga kamay ni Gary. Pero ako 'tong parang gago na lapit ng lapit sayo." Nanikip ang dibdib ko nang marinig kong humikbi siya.

"Hirap na hirap na ako, Sabrina." Inangat ko ang ulo niya mula sa balikat ko at pinagtagpo ko ang mata naming dalawa. Umiiyak siya ngayon at kita ko sa mukha niya ang hirap.

Marahan kong pinunasan ang luha sa pisngi niya, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya iyon.

"Gusto kong ibalik yung panahon na hindi pa nangyayari ang lahat ng 'to. Yung mga panahong tinitignan lang kita masaya na ako. Pero ngayon, nasasaktan na ako dahil nakikita kong nasasaktan kita sa mga desisyong alam kong mas makakabuti para sa atin."

Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit at hindi ko na rin napigilan ang pag iyak dahil sa mga hikbing pinapakawalan niya.

"Patawarin mo ako Sabrina."

"Wala man akong kasiguraduhan kung makakabalik ako sayo, pero magagawa mo ba akong hintayin?" Biglang tanong niya sa pagitan ng mga hikbi.

Tinugon ko ang mahigpit na yakap niya, "Kahit gaano pa katagal 'yan, Michael. Maghihintay ako para sayo."

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon