Chapter 11
Sabrina Briones
Katatapos ko lang mag enroll, Business Management ang kinuha kong course at nakapasa kasi ako sa entrance exam ng isang malaking university dito sa Manila.
"Kumusta ang enrollment?" Tanong ni Mom.
"Okay naman po." Sagot ko saka kumuha ng tubig sa ref at ininom iyon, nahihilo ako sa sobrang init.
Isang buwan na. Nasaan na kaya siya? Wala pa ring paramdam si Michael.
"Mukhang pagod na pagod ang panganay ko." Sabi ni Mom, ngumiti ako. Sobrang dami kasing tao sa university kanina at iba ang init ngayon kaya mas doble ang pagod.
"Aakyat na po muna ako." Paalam ko.
"Osige hija, magpahinga ka na muna. Tatawagin kita kapag handa na ang hapunan."
__
Pagpasok ko sa kwarto ko mabilis kong hinubad ang blouse ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama.
"Wala ka pa ring text." Bulong ko, aaminin ko nakakaramdam na ako ngayon ng galit kay Michael dahil isang buwan na pero wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Sabi ni Tita Maria umuwi na daw si Michael pagkatapos ng isang linggo pictorial, pero tuwing pupuntahan ko siya sa bahay nila wala siya. Gusto kong pumunta dun sa garage area kung saan niya ako dinala nung gabing may unang nangyari sa aming dalawa, pero anong gagawin ko? Hindi ko matandaan ang lugar na iyon dahil madilim nung napuntahan ko 'yon.
Ipinikit ko ang aking mata.
"Nakakainis ka, gano'n nalang ba yon?" Bulong ko at huminga ako ng malalim.
Totoo ba ang sinabi ng iba? Na kapag nakuha na ng isang lalaki ang gusto nila, itatapon ka nalang nila na parang isang basura?? H'wag naman sana, dahil hindi ko kakayanin. Mahal ko si Michael at may tiwala ako sa kanya, pero yung tiwala yong unti unti ng nabubura.
__
"Hmmm..."
"Love..." May bumulong sa tenga ko, nanaginip ba ako? Isang tao lang ang tumatawag sa akin sa gano'n endearment.
"Uhmm..Michael..." Bulong ko.
"Yes?"
Iminulat ko ang mata ko at napaupo ako sa kama nang makita kong nasa ibabaw ko si Michael at unti unting inaalis ang bra ko, dahil yon lang ang suot kong pang itaas.
"Anong ginagawa mo dito?" Iritang tanong ko sa kanya.
Madilim na at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Sinilip ko sandali ang pintuan.
"Nilock ko." Bulong niya.
Tanging yung ilaw lang sa may poste ang umaaninag dito sa kwarto ko.
"Ganyan ka ba matulog? Nakabra lang?" Pang aasar niya.
Hinila ko ang kumot at itinapi ko yon sa katawan ko. Hindi ko alam pero ang kaninang galit na nararamdaman ko nawala nang makita ko siya.
"Psh, nakita ko na lahat yan." Ngisi niya.
"Bakit nandito ka?" Inis na tanong ko.
"Sorry..." Bulong niya, nakaupo siya sa gitna ng kama ko.
Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya.
"Ayoko lang kasing madamay ka kaya hindi kita pinupuntahan. Pero sobrang miss na miss na kita." Seryosong sabi niya.
"Michael, sino ba yung mga tao sa bar? Bakit parang may kasalanan ka sa kanila?" Pag uusisa ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...