Chapter 30

70.2K 894 34
                                    

Chapter 30

 

AKIRA P.O.V

 

 

Naramdaman kong parang may mabigat na nakasabit sa paa ko, at parang ang hapdi hapdi ng mga kamay ko.. Dahan dahan kong iminulat ang mabigat kong mata at nakaramdam ako ng kaunting pagkahilo! Nanghihina ako, pakiramdam ko buong lakas ko nawala!

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isang factory ako ni Gary, may maliit na ilaw at may mga nakabantay sa paligid ko.. Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Nathan...katabi si Sabrina! Nakatakip ang bibig ni Sabrina at nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sa isang mono block, sinubukan kong kumilos pero dun ko lang nakita na may bilog na bakal na nakatali sa paa ko at nakatali sa likod ko ang kamay ko!

 

“Tulong!!!!” – sigaw ko!! Pero kahit anong gawin kong sigaw walang pumapansin saakin! Nakita ko si Spencer pero pilit niyang inalalayo ang tingin saakin!

Dun ko lang naalala ang lahat, kasama ko kanina si Spencer!! At bigla nalang ako nawalan ng malay ng painumin niya ako ng tubig.

 

“Hayop  ka Spencer!!!” – sigaw ko!! Pero naramdaman ko ang pagsakit ng kamay ko dahil sa pag-galaw ko!!

“Aira..walang makikinig sayo.” – nahihirapang sabi ni Nathan, napansin kong puro dugo ang mukha niya! Tinignan ko si Sabrina at napansin kong pawis na pawis na siya, hinihingal siya! Kinabahan ako ng makita ko ang malaking tiyan niya! Si Michael! Kailangan siya ni Michael!!

Napalingon ako sa may pintuan ng marinig ko ang ubo ni Gary! Dahan dahan siyang naglakad papunta sa harap naming tatlo at kinilabutan ako ng makita ko ang demonyong ngiti niya!

“Mabuti naman at binabantayan niyo ang mga alaga ko..” – nakatawang sabi ni Gary sa mga kasamahan ko!

“Hayop ka!!!!” – sigaw ko!! Pero parang umikot nanaman ang paningin ko ng maramdaman kong dumapo ang malaking kamay ni Gary sa kaliwang pisngi ko!

 

“Demonyo..” – bulong ni Nathan, pero madiin ang pagkakasabi niya non.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon