Chapter 29
Michael Cando
"Ate..may naghahanap sayo sa labas! Papasok na ako!" Sigaw ng kapatid ni Akira mula sa sala.
Isang buwan na rin ang lumipas simula nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya. Dating tauhan ni Gary ang Mama at Papa niya, nang minsang pumalya ang mga ito sa isang kliyente ay pinatay ito ni Gary. Sa una ay aksidente daw nabaril ni Nathan ang Papa ni Akira dahil sa pakikipagtalo ni Nathan kay Gary, hindi sana mamamatay ang Papa ni Akira dahil daplis lang daw ang naging tama nito, pero tinuluyang barilin ni Gary sa noo kasabay ng Mama niya.
Ayon sa kwento sa akin ni Akira, nakilala niya si Nathan nung araw mismo kung kailan namatay ang mga magulang niya. May tama ito ng baril at siya ang tumulong upang madala ito sa ospital, habang abala siya sa pagbabantay kay Nathan sa ospital ay doon naman may tumawag sa kanya na nasunog ang sinasakyang kotse ng mga magulang niya dahil bumangga ito sa gasulinahan.
Nagsimulang magtrabaho si Akira kay Gary dahil halos tingalain niya ito sa pagtulong sa kanilang magkakapatid nang mawala ang mga magulang niya, ito rin kasi ang sumagot sa lahat ng gastusin upang maisaayos ang libing ng mga magulang niya at sinagot rin nito ang pagpapaaral sa mga kapatid niya. Isang superhero ang tingin niya kay Gary at doon nalang din niya nalaman na anak pala nito si Nathan.
Hanggang sa dumating yung araw na narinig niya ang pagtatalo umano ng mag ama tungkol sa pagpatay ni Gary sa mga magulang niya at lahat ng iyon ay itinatago ni Nathan.
"Ate, ano ba?! Kanina pa nangungulit yung tao sa labas. Aalis na ako!" Inis na sigaw ng kapatid niya, padabog akong bumangon sa kama saka humila ng sando at isinuot iyon.
"Kuya, ikaw na nga muna ang bahala kay Ate. Late na ako." Salubong sa akin ng kapatid niya nang mapansin ang paglabas ko sa kwarto.
Magkakasunod kong kinalampag ng katok ang pinto ng kwarto ni Akira, pero nang hindi niya pa rin binuksan iyon ay marahas ko nang binuksan ang pinto. Nakahiga siya habang nakatalukbong ng unan ang mukha niya.
"Wala ka bang balak tumayo diyan?!" Iritableng tanong ko sa kanya saka hinila ko yung unan sa mukha niya. Isang buwan na siyang ganyan at solo na rin akong nagtutuloy ng mga tinatrabaho kay Gary.
"H'wag mo nga akong pakialamanan." Walang ganang aniya saka hinila ulit sa akin ang unan.
"Tsk, hindi mo ba narinig ang kapatid mo? May naghahanap sayo!"
"Sabihin mo wala ako!" Pagmamatigas niya.
Kung hindi madaan sa pakiusap eh daanin sa dahas. Lumabas ako ng kwarto niya at tumungo ako sa kusina, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at ibinuhos ko 'yon sa kanya!
"Tangina. Michael!!!" Napatayo siya sa gulat.
"Oh. Edi tumayo ka rin. Harapin mo yung naghahanap sayo sa labas, hindi ako makatulog sa kakasigaw ng kapatid mo kanina." Malamig na utos ko sa kanya.
"Bwisit..." Singhal niya saka hinila ang robe sa upuan at isinuot iyon bago tuluyang lumabas.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong natigilan siya sa may pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya sa tao sa labas.
"Aira, mag usap tayo. Please." Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Nathan. Naglakad ako palapit doon at nakahalukipkip na pinagmasdan siya.
"Umalis ka na! Ayokong maipag usap sayo." Muling sigaw ni Akira pero mabilis siyang hinila ni Nathan sa braso.
"Ano ba Nathan?"
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...