Chapter 33

70.4K 1K 65
                                    

Chapter 33

Michael Cando

"Nabisita mo na ba siya?" Salubong ko kay Akira dito sa ospital, kita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.

Huminga siya ng malalim, "Pumasok na ako kanina nung tulog siya. Michael, siya ang pumatay sa sariling ama niya at hindi ko alam kung paano niya makakayang tanggapin iyon. Kilala ko si Nathan, mahina siya pagdating sa pamilya niya. Hindi man sila magkasundo ni Gary, pero alam kong minahal niya pa rin si Gary bilang isang ama."

Huminga ako ng malalim, dahil nakita ko rin kung paano niya pinatay si Gary.

"Ikaw? Bakit hindi ka pumasok sa kwarto ni Sabrina?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin.

"Hindi ko yata kayang pagmasdan siya sa gano'ng lagay."

"Michael, ano ka ba? Ikaw lang ang mahihirapan niyang ginagawa mo." Ang totoo ay ramdam ko na ngayon ang pagod sa lahat ng nangyari sa lumipas na ilang buwan, pagod na rin ang isipan ko at hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makatulog. Sa tuwing susubukan ko ay lumalabas sa isipan ko ang imahe ni Sabrina na nag aagaw buhay mula sa kamay ni Gary.

"Okay lang ang mahalaga sa akin, maayos siya." Bulong.

Niyaya ko siya papunta sa NICU kung saan nandoon ang anak namin ni Sabrina at halos madurog ang puso ko nang makita ko ang itsura ni Kyle. He has tubes and cords all over, at sobrang bilis ng paghinga niya. Maliit at payat siya at hindi ko talaga maiwasang maluha sa sitwasyon niya.

"Kumusta siya?" Nabasag ang boses ko sa pagtatanong sa Nurse, kaagad ko namang pinunasan ang nagbabadiyang luha sa mga mata ko.

"Kyle is a fighter, sir. Kahit kagabi almost 15 seconds tumigil ang paghinga niya, pero sa tulong ng mga cords na nakakabit sa katawan ni baby Kyle nakayanan niyang bawiin ang paghinga niya."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kakayanin kapag nawala siya. Nag sanitize ako at ipinasok ko ang hintuturo ko sa maliit na butas ng incubator at marahan kong hinaplos ang kamay niya.

"I'm sorry Kyle..." Bulong ko.

Hindi ko naiwasan ang ngumiti nang bigla niyang ikulong ang daliri ko sa maliit niyang kamay, mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at para bang nawala ang lahat ng hinanakit ko dahil sa simpleng paghawak niya lang. Pero nabalot ng takot ang puso ko nang biglang huminga ng malalim ang anak ko at huminto ang paghinga nito! Kaagad akong lumayo nang lumapit ang nurse, naikuyom ko ang kamao ko nang tatlong nurse na ang lumapit at para bang may inaayos silang kung ano sa tubo. Ilang saglit pa ay naging maayos na rin ulit ang paghinga niya.

"Thank you. Thank you." Paulit ulit na bulong ko nang masigurado kong maayos na siya.

Ilang saglit pa ay lumabas na kami sa NICU.

"Akira, dalhin mo ako sa kwarto ni Nathan." Pakiusap ko sa kanya, napakunot ang noo niya pero tinanguan na lamang niya ako.

"Nasa kabilang hallway lang ng kwarto ni Sabrina si Nathan."

Naglakad kami patungo doon, umatras si Akira. "Ikaw nalang ang pumasok, hindi ko pa siya kayang harapin."

Tumango na lang ako at kumatok na sa pinto.

"Who are you?"

"Good evening po, I'm Michael, k...kaibigan po ako ng anak niyo."

"Oh, hi! Halika pasok ka, tamang tama, ibibili ko sana ng pagkain si Nathan, iiwanan ko muna siya sayo."

"Ma?" Narinig ko ang boses ni Nathan.

"Nathan anak, nandito ang kaibigan mo." Pumasok ako sa loob at kaagad nagtagpo ang mga mata namin.

Umalis naman ang mama niya at naiwan kaming dalawa.

"Kumusta ka na?"

"Okay lang ako, malayo sa bituka." Biro niya sa akin.

"Buhay pa naman ako, kita mo nga kausap mo pa ako, yun nga lang pansamantalang pilay." Patuloy niya.

"Kumusta pala si Sabrina?" Biglang tanong niya, huminga ako ng malalim. At sa unang pagkakataon ay nagkwento ako sa kanya. Hindi naman kasi kami malapit na magkaibigan ni Nathan, si Sabrina talaga ang kaibigan niya simula't sapul.

"Siguradong malulungkot si Sabrina." Nasa boses niya ang pag aalala, napatitig ako sa kanya dahil kagaya ko 'yun din ang unang pumasok sa isip ko.

Nag iwas ako ng tingin, matagal kong pinag isipan ito at alam kong siya lang ang mapagkakatiwalaan ko kay Sabrina.

"Nathan, pare." Simula ko, napalingon siya sa akin. "Salamat sa pagmamalasakit mo kay Sabrina,"

Natawa siya, "Best friend ko siya. Wala 'yon."

Tumango ako wala naman akong duda do'n. "May ipapakiusap sana ako sayo."

"Kung pwede, ikaw na muna ang bahala kay Sabrina."

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon