Chapter 14

93.5K 1.3K 174
                                    

Chapter 14

Sabrina Briones

Nang makauwi kami ay mabilis akong nagkulong sa kwarto ko! Mahal niya ako, alam ko mahal niya ako, naramdaman ko. Naramdaman kong mahal niya ako!

Sumigaw ako ng sumigaw, pero kahit anong gawin kong sigaw ayaw matanggal ng sakit! Hindi ko na alam kung paano pa tumutulo ang luha ko dahil pakiramdam ko ubos na lahat yo'n! Totoo ba ang sinasabi nila? Sa una lang masaya! Sa una ka lang kikiligin! Pero bakit ngayon hindi na saya at kilig ang nararamdaman ko kundi sakit! Sobrang sakit!

"Sabrina anak! Buksan mo 'tong pintuan!" Dinig kong umiiyak si mommy kaya mas lalo akong nasasaktan. Masyado akong nagpadala sa damdamin ko!

"IWANAN NIYO AKO! IWANAN NIYO NA AKONG LAHAT!" Pinagbabato ko ang full body mirror sa kwarto ko at hindi ko na malaman kung ano pang pwede kong gawin para mawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon!

Hindi ko na alam kung paano nabuksan ng kapatid ko ang kwarto ko!

Mabilis na tumakbo palapit sa akin si Mommy at Shane! Pinipilit akong yakapin ni Mommy pero pilit akong kumakalas!!

"Anak! Tama na!!" Pati magulang ko umiiyak dahil sa kasalanan ko! Pati sila nasasaktan!!

"Mommy, tama ka! Tama ka! Sa huli ako rin ang masasaktan! Sa huli ako rin ang magiging kawawa! Pero, mom! Ba-bakit sabi niya mahal niya ako? Sabi niya hinding hindi niya ako iiwanan?" Panay ang hagulhol ko at hinahabol ko na ang paghinga ko dahil sa sobrang iyak.

"Shhh, anak, nandito pa ako, nandito pa kami ng Daddy mo." Niyakap ako ni Mommy ng sobrang higpit pero tinulak ko si Mom at pinaghahampas ko ang tiyan ko!

"Ayoko na, ayoko na sa batang 'to! Ayoko!"

"Ate!!!!" Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Shane at pilit niyang hinuli ang kamay ko saka hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ate! H'wag ka ng umiyak! Nandito kami para sayo." Sigaw niya, shit, bakit ba hindi ako nakinig sa mga sinabi ni Shane? Bakit mas pinakinggan ko yung puso ko? Bakit ang tanga tanga ko?

Tinutulak ko si Shane pero pilit niya akong hinihila palapit sa kanya, narinig kong umiiyak na rin siya.

"Ate, tama na, ate."

"Lumabas muna kayong lahat." Natigilan ako nang makita ko si Dad, hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko pa rin siya kayang tignan, naramadaman kong hinalikan si Shane ang noo ko.

"Please, Ate, tama na. Sasamahan kita. Promise, ako hindi kita iiwanan. Hindi kita iiwanan Ate." Hindi ko alam pero bakit maging kapatid ko ayoko ng paniwalaan ang lahat ng pinapangako niya. Dahil alam kong bandang huli iiwanan niya rin ako!

Tumayo silang dalawa ni Mom sa kama at lumabas, pumasok naman si Dad. Isinara niya ang pintuan at umupo sa tabi ko, sa hindi ko malamang dahilan lumayo ako sa kanya.

"Patawarin mo ako kung napag buhatan kita ng kamay." Bulong niya.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko, bigla kong naramdaman sa unang pagkakataon na ligtas ako. Ligtas ako sa mga kamay ni dad.

"Nung baby ka pa, alam mo bang gustong gusto kong hinahawakan ang kamay mo? Kayang kayang ikulong ng mga kamay ko ang dalawang kamay mo noon dahil maliit pa lang ang mga yan. Pero ngayon anak, malaki ka na, hindi ko na mahahawakan ang dalawang kamay mo ng isang hawakan nalang. Natakot ako para sayo dahil alam kong habang lumalaki ka, hindi ko na basta mahahawakan ang mga kamay mo dahil may sariling pag iisip ka na at kayang kaya mo ng bitawan ang kamay namin ng Mommy mo ng basta basta. Kaya gano'n nalang ang paghihigpit ko sayo." Dama ko sa boses ni dad ang pagpipigil ng emosyon pero nananatili siyang matatag.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon