Chapter 16
Sabrina Briones
"Ate?" Napatingin ako kay Shara nang bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Malungkot ka na naman Ate." Nakangusong sabi niya habang nakatingin sa akin.
Hanggang ngayon nahihirapan parin akong makahinga sa tuwing maaalala ko na mas pinili niyang talikuran nalang kami ng magiging anak namin. Ano pa bang dapat kong gawin para bumalik kami sa dati. Alam ko may dahilan kung bakit siya nagkaka-ganyan, pero hindi naman yata sapat yon para mangyari 'to sa aming dalawa.
"Wala 'to Shara h'wag mo na akong intindihin." Nakangiting sabi ko sa kapatid ko.
"Ah okay, you know what Ate? I want to be like you kapag malaking malaki na ako. Gusto kong maging maganda kagaya mo, maging matalino kagaya mo, gusto ko rin maging model!"
Tinignan ko ang kapatid ko na inosenteng inosente pa sa mga bagay.
"Hindi mo dapat ako gayahin Shara." Sabi ko sakanya, dahil hindi naman ako kagaya ng inaakala niya na role model na dapat niyang gayahin. Kung iisipin kong mabuti sobrang laking problema ang ibinigay kong problema sa pamilya ko.
"Is it true Ate, that you're pregnant?" Biglang tanong niya.
Tumango ako bilang sagot.
"But how? Diba magiging pregnant lang ang babae kapag may asawa na at kapag kasal na siya?" Nakakunot noong tanong ni Shara. Parang sinampal ako ng katotohanan sa sinabi ni Shara, katotohanan na gumawa talaga ako ng kamalian.
Nilingon ko siya, hindi ko makuhang sagutin ang mga tanong niya. Masyadong malawak ang pag iisip ng kapatid ko dahil sa mga itinatanong niya sa akin, ang hirap kung dati isang tanong lang niya nasasagot ko na kaagad iyon ng walang pag aalinlangan. Samantalang ngayon nahihiya ako sa kapatid ko dahil yung simpleng tanong niya hindi ko masagot, kung sana madali lang sabihin na masyadong kasi akong nagmahal kaya ito ang nangyari sa akin.
"Sabi ni Daddy, ayaw niya na daw makitang umiiyak tayo. Bakit Ate umiyak ka ba nung malaman mong buntis ka? Bakit sabi ni Mommy noon nung malaman niyang buntis siya sa atin sobrang saya daw niya, pero bakit ikaw? Hindi pa kitang nakikitang masaya ulit simula ng malaman kong buntis ka."
Hindi ko na matignan sa mata ang kapatid ko, mag-ge-grade 5 palang siya pero kung titignan kong mabuti parang mas marami pa siyang napapansin na importanteng bagay kesa sa akin.
"Shara! Pumasok ka nga sa loob!" Napalingon ako nang marinig ko ang masungit na boses ni Shane.
"Bakit ba Kuya?! Kinakausap ko pa si Ate!" Sagot ni Shara.
"Basta pumasok ka na." Pagmamatigas ni Shane.
"Aish! Nakakainis talaga! Bakit kaya nagkaroon pa ako ng Kuyang kagaya mo, ang sungit sungit mo! Buti pa yung mga classmates ko close sila sa Kuya nila!"
"Isa!" Sigaw ni Shane.
"Whatever Kuya!!" Sigaw ni Shara saka tumakbo papasok ng bahay.
Umupo sa harap ko si Shane at tinignan niya ako.
"Okay ka lang ba?" Walang emosyon na tanong niya.
"Alam mo, tama naman si Shara, sa dinami dami ng buntis sa mundong 'to, ako yung hindi masaya." Bulong ko.
Nanatili lang nakatingin sa akin si Shane.
"Ganito pala ang pakiramdam noh? Kapag iniwan ka ng lalaking alam mong mahal na mahal mo, pagkatapos mong ibigay ang lahat ng meron ka, pakiramdam mo kulang pa rin yon para manatili sila sa tabi mo, ang sakit sobra, sobrang sakit!" Para akong tanga na umiiyak habang tumatawa, mabilis kong pinunasan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...