Chapter 27
Sabrina Briones
"Congratulations, it's a boy!" Nakangiting balita ng Obygyne ko, six months na ang ipinagbubuntis ko, parang kailan lang. Naalala ko nung unang beses kong marinig ang heartbeat ng baby ko, naiyak ako sa sobrang saya at para bang iyon na ang pinaka Magandang musika na narinig ko sa buong buhay ko.
Sobrang halata na talaga ang tiyan ko na nagiging dahilan ng bulungan ng mga estudyante sa university, pero baliwala naman sa akin ang lahat ng iyon dahil ang importante sa akin ay mairaos ko ang sem na ito.
Nalalapit na rin ang pag alis namin ni Shane patungo sa New Jersey, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi iyon kay Michael. Pero mamaya ay balak ko na sabihin sa kanya iyon, nag usap kasi kami na magkikita kami ngayon, tatakas na naman siya kay Gary.
"Magkakasundo kami ng apo ko!" Masayang sabi ni dad, siya at si mom kasi ang kasama ko ngayon sa pagpapacheck up ko.
Hinihimas himas ko ang tiyan ko habang tinitignan ang printed ultrasound ko.
"Sabi nga ni Doctora malaki ang tiyan ni Sabrina, mukhang macho yata ang apo natin! Kasing macho mo Mario!" Natatawang sabi ni mom.
"Syempre kanino ba magmamana yan, kundi sa dugong Briones!" Ani dad.
"Dad naman..." Tumatawang sabi ko.
"Nagugutom ka ba?" Usisa ni mom, umiling ako. Pero ang totoo ay medyo gutom na ako.
"Teka, dito ba kayo magkikita ng kaibigan mo?" Tanong ni dad habang bumubwelong mag-park sa may mall entrance.
"Opo Dad!" Excited na sabi ko, sinabi ko kasi na magkikita kami ng kaibigan ko dito sa mall. Pero si Michael talaga ang kikitain ko, oo na alam ko napakasinungaling ko, pero paraan ko na ito para sulitin ang mga araw habang nandito pa ako sa Pinas.
"Mag ingat ka paglalakad, tumingin ka sa nilalakaran mo hindi yung kung saan saan ka nakatingin! Tumawag ka kapag may problema!" Magkakasunod na paalala ni mom.
"Opo!" Sabi ko, bumaba si Dad at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse saka inalalayan bumaba.
Naka dress ako at bilog na bilog ang tiyan ko.
"Ang panganay ko." Biglang bulong ni Dad at hinalikan ang ulo ko.
"Mag ingat ha." Dagdag pa niya.
Tumango ako at pumasok na sa mall, pagpasok ko palang nakita ko na si Michael na nakatayo sa tapat ng isang fine dining restaurant,naka black siya na damit at naka-shades, ang gwapo niyang tignan, gusto kong maging kamukha ni Michael ang anak namin para kapag namimiss ko siya, titignan ko lang ang baby namin. Nginitian niya ako at mabilis siyang lumapit sa akin! Kinuha niya ang shoulder bag ko at binitbit niya iyon, nakahawak ang kanang kamay niya sa bewang ko na parang inaalalayan niya akong maglakad.
"Dahan dahan sa paglalakad magandang buntis." Pambobola niya.
"Hindi ka ba nila nasundan?" Tanong ko sa kanya, kinuwento kasi niya sa akin na sinisimulan na nila nung kasamahan niya ang mga plano nila kay Gary.
"Magaling yata 'to." Pagyayabang niya.
"Sus, talaga lang ha?"
"Saan mo gustong kumain?" Pag iiba niya ng usapan na hindi binibitawan ang bewang ko, ngumiti ako at sumagot!
"Jollibee!!" Magiliw na sabi ko.
"Dinala ka ba ni Nathan don?" Iritang tanong niya, tumawa ako dahil narinig ko na naman ang tono ng pagseselos niya.
"Tsk." Inis na patunog niya at kahit ayaw niya sa Jollibee dun kami pumasok, inupo niya muna ako saka siya umalis para umorder, inilabas ko sa bag ko yung ultrasound ng anak namin, napangiti na naman ako.
BINABASA MO ANG
Young Minds
General FictionSabrina had always believed in the power of love, at the age of eighteen, sigurado na kaagad siya sa nararamdaman niya para kay Michael. Kaya naman when Michael asked him to explore what they feel, hindi na siya nag-dalawang isip pa. They are young...